13 At isinugo nila sa kaniya ang ilan sa mga Fariseo at sa mga tagasunod ni Herodes upang hulihin siya sa kaniyang salita.14 At sa kanilang pagdating, sinabi nila sa kaniya, “Guro, alam namin na ikaw ay totoo at hindi ka pumapanig kaninuman sapagkat hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao, sa halip ay itinuturo mo ang daan ng Diyos ayon sa katotohanan. Ipinapahintulot ba ng Kautusan ang pagbigay ng buwis kay Cesar o hindi?15 Magbibigay ba kami o hindi kami magbibigay?” Ngunit dahil alam ni Jesus ang kanilang pagpapaimbabaw, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako sinusubok? Magdala kayo sa akin ng denaryo° upang makita.”16 Kaya sila ay nagdala sa kaniya. At sinabi niya sa kanila, “Kaninong anyo at sulat ang nakatatak dito?” At sinabi nila sa kaniya, “Kay Cesar.”17 At nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Ibigay ninyo kay Cesar ang mga bagay na nauukol kay Cesar at ibigay ninyo sa Diyos ang mga bagay na nauukol sa Diyos.” Kaya namangha sila sa kaniya.