13 At narito, nang araw ring iyon ay pumunta ang dalawa sa kanila sa isang nayon na tinatawag na Emaus, na ang layo mula sa Jerusalem ay animnapung estadya°.14 At sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari.15 At nangyari na habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, si Jesus din mismo ay lumapit at sumama sa kanila.16 Ngunit ang kanilang mga mata ay pinipigilan upang hindi siya makilala.17 At sinabi niya sa kanila, “Ano itong mga salita na inyong pinag-uusapan sa isa't isa habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mga mukha?”