22 At nang naganap na ang araw ng pagdadalisay ni Maria ayon sa Kautusan ni Moises, dinala nila si Jesus sa Jerusalem upang iharap sa Panginoon,23 (ayon sa nasusulat sa Kautusan ng Panginoon, “Ang bawat batang lalaki na nagbubukas ng sinapupunan ay tatawaging banal sa Panginoon.”)24 at upang maghandog ng hain ayon sa sinabi sa Kautusan ng Panginoon, “Isang pares na batu-bato o dalawang inakay na kalapati.”