1 Ang bawat kaluluwa ay magpasakop sa nakakataas na kapamahalaan sapagkat walang kapamahalaan maliban sa nagmula sa Diyos at ang mga kapamahalaang iyon ay itinakda na ng Diyos.2 Kung kaya, siya na sumasalungat sa kapamahalaan ay tumanggi na sa itinalaga ng Diyos at sila na mga tumanggi ay tatanggap ng kahatulan sa kanilang sarili3 sapagkat ang mga namumuno ay hindi kinakatakutan ng mga gumagawa ng mabuti kundi ng mga gumagawa ng masama. Ngunit ninanais mo bang hindi matakot sa pamahalaan? Gumawa ka ng mabuti at magkaroon ka ng papuri mula sa pamahalaan4 sapagkat siya ay lingkod ng Diyos sa iyo para sa kabutihan. Ngunit kapag masama ang iyong ginagawa, matakot ka dahil hindi siya nagdadala ng tabak ng walang kabuluhan sapagkat siya ay lingkod ng Diyos, isang tagapaghiganti upang magdala ng poot sa gumagawa ng masama.5 Dahil dito, kailangang magpasakop kayo hindi lang dahil sa poot kundi dahil din sa budhi.