13 Nang sila ay nakauwi na, narito, ang anghel ng Panginoon ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip na nagsasabi, “Bumangon ka at dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas ka papuntang Egipto. Manatili ka roon hanggang sa sabihin ko sa iyo sapagkat binabalak na ipahanap ni Herodes ang bata upang siya ay patayin.”14 Kaya pagbangon niya, dinala niya ang bata at ang kaniyang ina at sa gabi ay umalis papuntang Egipto.15 Nanatili siya roon hanggang sa pagkamatay ni Herodes upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta na sinasabi, “Mula sa Egipto ay tinawag ko ang aking anak.” Ose 11:1