25 “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, o kung ano ang inyong isusuot sa inyong katawan. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan sa damit?26 Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid, hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga kamalig ngunit sila ay pinapakain ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit pa kayong mahalaga kaysa sa kanila?