Pagtitiwala sa kayamanan
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus Luottamus mayaman pahimakas tanga Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 1213 At may isang nagsabi sa kaniya mula sa napakaraming tao, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na lalaki na hatiin ang mana kasama ako.” 14 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginoo, sino ang nagtalaga sa akin na maging tagapaghatol o tagapaghati para sa inyo?” 15 At sinabi niya sa kanila, “Tingnan ninyo at mag-ingat kayo mula sa kasakiman sapagkat ang buhay ng sinuman ay wala sa kasaganaan ng mga bagay na kaniyang tinatangkilik.” 16 Kaya isinalaysay niya ang isang talinghaga sa kanila na sinasabi, “Ang lupain ng isang mayamang lalaki ay namunga ng sagana. 17 At kaniyang masusing pinag-isipan sa kaniyang sarili na sinasabi, ‘Ano ang maari kong gawin sapagkat wala akong lugar na pag-iimbakan ng mga bunga na inani ko?’ 18 At sinabi niya, ‘Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng higit na malaki at doon ko iipunin ang lahat ng aking mga ani at ang aking mga ari-arian. 19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, “Kaluluwa ko, ikaw ay nakapag-ipon ng maraming ari-arian para sa maraming taon. Magpahinga ka. Kumain ka. Uminom ka. Magsaya ka.” ’ 20 Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya, ‘Hangal! Sa gabing ito ay babawiin sa iyo ang iyong kaluluwa. Ngunit kanino mapupunta ang mga bagay na iyong inihanda?’ 21 “Ganito ang isang nag-iimpok ng kayamanan para sa kaniyang sarili ngunit hindi mayaman sa harap ng Diyos.” 22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong ibibihis sa inyong katawan. 23 Ang buhay ay higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay higit kaysa sa damit. 24 Pagmasdan ninyong mabuti ang mga uwak sapagkat hindi sila naghahasik, ni hindi sila nag-aani, ni wala silang silid o kamalig, ngunit ang Diyos ang nagpapakain sa kanila. Gaano pa kaya kayo na higit na mahalaga kaysa sa mga ibon? 25 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad? 26 Kaya yamang hindi ninyo magawa kahit ang pinakamaliit na bagay, bakit kayo nababalisa sa iba? 27 Unawain ninyong mabuti ang mga liryo kung paano lumalaki na hindi nagpapagal, ni nagsisinulid. Gayunpaman, ako ang nagsasabi sa inyo na kahit si Solomon ay hindi nakapagdamit nang katulad sa isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian. Luke 1241 Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, sinasabi mo ba ang talinghagang ito para sa amin o para rin sa lahat?” 42 Subalit sinabi ng Panginoon, “Kung gayon sino ang matapat at matalinong tagapangasiwa na siyang pamamahalain ng kaniyang panginoon sa sambahayan niya upang bigyan ng pagkaing bahagi nila sa takdang panahon. 43 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay matatagpuang gumagawa nang gayon. 44 Katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya ay kaniyang pamamahalain sa lahat ng kaniyang mga tinatangkilik. 45 Ngunit kapag sasabihin ng aliping iyon sa kaniyang puso, ‘Ipinagpapaliban ng aking panginoon ang kaniyang pagdating,’ kaya magsisimula siya na paluin ang mga lingkod na lalaki at mga lingkod na babae, at upang kumain din at uminom at magpakalasing, 46 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya nalalaman. At siya ay hahatiin at ang kaniyang bahagi ay itatalaga kasama sa mga hindi mananampalataya. 47 At yaong alipin na nakakaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naghanda, ni ginawa ang ayon sa kalooban ng kaniyang panginoon ay mahahagupit ng marami. 48 Ngunit siya na hindi nakakaalam at gumawa ng mga bagay na nararapat sa mga palo ay mahahagupit ng kaunti. Subalit sa lahat na binigyan ng marami ay hahanapan din siya ng marami, at siya na pinagkatiwalaan ng marami ay lalong marami ang hihingiin sa kaniya. Mark 1332 “Ngunit patungkol sa araw o sa oras na iyon, walang sinuman ang nakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama. 33 Mag-ingat kayo, magmasid kayo at manalangin kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang panahon. 34 Ito ay katulad ng isang taong manlalakbay na iniwan niya ang kaniyang bahay, at binigyan niya ng kapamahalaan ang kaniyang mga alipin, at binigyan ang bawat isa ng sariling gawain, at inutusan din niya ang bantay-pintuan na siya ay magbantay. 35 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay, sa gabi, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga, 36 upang sa bigla niyang pagdating ay hindi niya kayo matagpuang natutulog. 37 Kaya ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat. Magbantay kayo!” Matthew 2445 “Kung gayon, sino ang matapat at matalinong alipin na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan upang magbigay sa kanila ng pagkain sa takdang panahon? 46 Pinagpala ang aliping iyon, na sa pagdating ng kaniyang panginoon ay matatagpuang gumagawa nang gayon. 47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya ay kaniyang pamamahalain sa lahat ng kaniyang mga tinatangkilik. 48 Ngunit kapag sasabihin ng masamang aliping iyon sa kaniyang puso, ‘Ipinagpapaliban ng aking panginoon ang kaniyang pagdating,’ 49 at sisimulan niyang paluin ang kaniyang mga kapwa alipin, at kakain at iinom kasama ng mga manginginom, 50 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya nalalaman. 51 At siya ay hahatiin at ang kaniyang bahagi ay itatalaga kasama ng mga mapagpaimbabaw. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin. |