Armoton palvelija
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus lingkod pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 1823 Dahil dito, ang paghahari ng langit ay inihalintulad sa isang hari na nais maningil ng pautang sa kaniyang mga alipin. 24 At nang nagsimula na siyang maningil, iniharap sa kaniya ang isa na may utang ng sampung libong talento°. 25 Ngunit dahil sa wala siyang maibayad, iniutos ng kaniyang panginoon na siya ay ipagbili, gayundin ang kaniyang asawa at mga anak at ang lahat ng kaniyang mga tinatangkilik upang makabayad. 26 Subalit ang alipin ay nanikluhod at sinamba siya na sinasabi, ‘Panginoon, pagtiyagaan mo ako at babayaran ko sa iyo ang lahat.’ 27 Kaya ang panginoon ng aliping iyon ay nahabag at pinawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang. 28 “Ngunit nang lumabas ang alipin ding iyon, natagpuan niya ang isa sa kaniyang kapwa alipin na may utang sa kaniya ng isandaang denaryo° kaya hinawakan niya at sinakal na sinasabi, ‘Bayaran mo ako sa lahat mong pagkakautang.’ 29 Kaya ang kaniyang kapwa alipin ay nanikluhod sa kaniyang paanan at nagsumamo sa kaniya na sinasabi, ‘Pagtiyagaan mo ako at lahat ay babayaran ko sa iyo.’ 30 Subalit hindi siya pumayag. Sa halip, siya ay umalis at ipinabilanggo niya ang kapwa alipin hanggang sa mabayaran niya ang kaniyang pagkakautang. 31 At nang nakita ng kaniyang mga kapwa alipin ang nangyari, sila ay labis na namighati. Kaya sila ay pumunta at isinumbong nila sa kanilang panginoon ang lahat na nangyari. 32 Pagkatapos siyang maipatawag, ang kaniyang panginoon ay nagsabi sa kaniya, ‘Ikaw na masamang alipin, ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng iyong pagkakautang dahil nagsumamo ka sa akin, 33 hindi ba nararapat na ikaw ay mahabag din sa iyong kapwa alipin katulad din ng pagkahabag ko sa iyo?’ 34 At sa labis na galit ng kaniyang panginoon, siya ay ibinigay sa mga tagapagpahirap hanggang sa mabayaran niya ang lahat ng kaniyang pagkakautang. 35 “Gayundin naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kapag hindi kayo magpatawad nang mula sa inyong puso sa bawat kapatid sa kanilang pagsalangsang.” |








