Vineyard Scene
| Secondary Keywords | beses magsasaka Raamattu tanawin taniman ng ubas |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 20:1-15 |
Matthew 201 “Sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang tao na may-ari ng sambahayan, na lumabas nang maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan.2 At pagkatapos niyang nakipagkasundo sa mga manggagawa na isang denaryo° sa isang araw, sila ay isinugo niya sa kaniyang ubasan.3 At nang siya ay lumabas bandang ikatlong oras, nakita niya ang iba na nakatayo sa pamilihang na walang ginagawa.4 At sinabi niya sa kanila, ‘Kayo ay pumunta rin sa ubasan at kung anuman ang nararapat ay ibibigay ko sa inyo’ at sila ay pumunta.5 Siya ay muling lumabas bandang ikaanim at ikasiyam na oras, gayundin ang kaniyang ginawa.6 At nang bandang ikalabing-isang oras, siya ay lumabas at natagpuan niya ang iba na nakatayo na walang ginagawa. Kaya sinabi niya sa kanila, ‘Bakit nakatayo kayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?’7 Sinabi nila sa kaniya, ‘Dahil walang sinumang umupa sa amin.’ Sinabi niya sa kanila, ‘Kayo ay pumunta rin sa ubasan at kung anuman ang nararapat ay iyon ang inyong tatanggapin.’8 “Sa pagsapit ng takipsilim, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, ‘Tawagin mo ang mga manggagawa at ibigay mo sa kanila ang kanilang upa, simula sa mga nahuli hanggang sa mga nauna.’9 At silang nasa bandang ikalabing isang oras ay dumating, bawat isa ay tumanggap ng isang denaryo.10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang sila ay tatanggap ng higit pa ngunit sila ay tumanggap din ng tig-iisang denaryo.11 Kaya nang natanggap nila ito, sila ay nagbulung-bulungan laban sa may-ari ng sambahayan12 na sinabi, ‘Itong mga nahuli ay isang oras lamang gumawa, ngunit sila ay ginawa mong kapantay sa amin na nagbata ng hirap at init ng maghapon.’13 Ngunit siya ay sumagot at sinabi sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, wala akong ginawang mali sa iyo. Hindi nga ba nakipagkasundo ka sa akin ng isang denaryo?14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na sapagkat ninanais kong ibigay sa nahuling ito ang katulad din ng sa iyo.15 Hindi ba nararapat sa akin na gawin ang ninanais ko sa anumang akin? Masama ba ang paningin mo dahil ako ay mabuti?’ | |








