28 “Ngunit ano sa palagay ninyo? Ang isang tao ay may dalawang anak. Siya ay lumapit sa una at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon at gumawa ka sa aking ubasan.’29 Sumagot ito at sinabi, ‘Ayaw ko,’ ngunit di nagtagal siya ay nagsisi at lumisan.30 Siya ay lumapit sa ikalawa at gayundin ang kaniyang sinabi. At sumagot ito at sinabi, ‘Panginoon, ako ay pupunta,’ ngunit siya ay hindi pumunta.31 Sino sa kanilang dalawa ang gumawa ng kalooban ng ama?” Sinabi nila sa kaniya, “Ang una.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at mga patutot ay nauuna sa inyo sa pagpasok sa paghahari ng Diyos,32 sapagkat si Juan ay dumating sa inyo sa daan ng katuwiran at siya ay hindi ninyo pinaniwalaan. Ngunit ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay naniwala sa kaniya. Bagamat nakita ninyo ito, di nagtagal ay hindi kayo nagsisi upang maniwala sa kaniya.