wjpas0501
| Secondary Keywords | balangkas hayop hayop leon makita malaki mangangaso manila Mies naghahanap ng nagkakaingay Odota odottaa odottamassa pagpaplano pagtitig pamamaril pangangaso paninila panoorin plano pusa saalistaa Symboli symbol symboli symboli tingnan |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 10:16 28:8 38:39 4:10-11 1 Peter 5:8 2 Samuel 17:10 Deuteronomy 33:20 Ezekiel 22:25 Genesis 49:9 Hosea 13:7-8 Isaiah 38:13 Isaiah 5:29 Jeremiah 12:8 Lamentations 3:10 Nahum 2:11-12 Proverbs 19:12 Proverbs 30:30 Psalms 10:9 Psalms 91:13 Revelation 10:3 |
1 Peter 58 Mag-isip kayo ng maayos at magbantay kayo sapagkat ang diyablo na inyong kaaway ay katulad ng leon na umaatungal at umaali-aligid na naghahanap kung sino ang kaniyang malalamon. 2 Samuel 1710 At pati ng matapang, na ang puso ay gaya ng puso ng leon, ay lubos na manglulupaypay: sapagka't kilala ng buong Israel na ang iyong ama ay makapangyarihang lalake, at sila na nasa kaniya ay matatapang na lalake. Deuteronomy 3320 At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi, Pagpalain yaong magpalaki sa Gad: Siya'y tumatahan parang isang leona, At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo. Ezekiel 2225 May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli: sila'y nanganakmal ng mga tao; sila'y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon, Genesis 499 Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka: Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon; At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya? Hosea 137 Kaya't ako'y magiging parang leon sa kanila; parang leopardo na ako'y magbabantay sa tabi ng daan;8 Aking sasalubungin sila na gaya ng oso na ninakawan ng kaniyang mga anak, at aking babakahin ang lamak ng kanilang puso; at doo'y lalamunin ko sila ng gaya ng leon; lalapain sila ng mabangis na hayop. Isaiah 3813 Ako'y tumigil hanggang sa kinaumagahan; katulad ng leon, gayon niya binabali ang lahat kong mga buto: Mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako. Isaiah 529 Ang kanilang angal ay magiging gaya ng sa leon, sila'y magsisiangal na gaya ng mga batang leon: oo, sila'y magsisiangal, at magsisipangal ng huli, at tatangayin, at walang magliligtas. Jeremiah 128 Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya. Job 1016 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang leon: at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin. Job 288 Hindi natungtungan ng mga palalong hayop, ni naraanan man ng mabangis na leon, Job 3839 Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, Job 410 Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon, at ang mga ngipin ng mga batang leon, ay nangabali.11 Ang matandang leon ay namamatay dahil sa kawalan ng huli, at ang mga batang leong babae ay nagsisipangalat. Lamentations 310 Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako. Nahum 211 Saan nandoon ang yungib ng mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila?12 Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib. Proverbs 1912 Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo. Proverbs 3030 Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man; Psalm 109 Siya'y bumabakay sa kubli, na parang leon sa kaniyang lungga: siya'y nagaabang upang hulihin ang dukha: hinuhuli niya ang dukha, pagka kaniyang dinadala siya sa silo niya. Psalm 9113 Iyong yayapakan ang leon at ang ulupong: ang batang leon at ang ahas ay yuyurakan mo ng iyong mga paa. Revelation 103 at siya ay sumigaw ng malakas na tinig na katulad ng leong umaatungal. At nang siya ay sumigaw, ang pitong kulog ay nagsalita sa kani-kanilang mga tinig. | |








