23 At nang napaalis na niya ang napakaraming tao, siya ay umahon sa bundok na nag-iisa upang manalangin. At nang sumapit na ang gabi, siya ay mag-isa roon,24 ngunit ang bangka ay nasa kalagitnaan na ng dagat na sinasalpok ng malalakas na alon sapagkat ang hangin ay pasalungat.25 At sa ikaapat na pagbabantay sa gabi, pumunta sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng dagat.26 At nang siya ay nakita ng mga alagad na naglalakad sa ibabaw ng dagat, sila ay nabalisa na sinasabi, “Ito ay multo!” At sila ay sumigaw dahil sa takot.