Varoitus ja kutsu
| Secondary Keywords | imbitasyon Jeesus Jeesus Lampaat pahimakas parabula silakbo ng damdamin Uusi uusi uusi Varoitusvaroitus |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 2531 “At kapag ang Anak ng Tao ay darating sa kaniyang kaluwalhatian at ang lahat ng mga banal na anghel ay kasama niya, sa panahong iyon siya ay uupo sa trono ng kaniyang kaluwalhatian. 32 At titipunin ang lahat ng mga bansa sa kaniyang harapan at ihihiwalay niya sila sa isa't isa katulad ng pastol na inihihiwalay ang mga tupa mula sa mga kambing. 33 At ilalagay nga niya ang mga tupa sa kaniyang bahaging kanan, ngunit ang mga kambing ay sa bahaging kaliwa. 34 Pagkatapos ay sasabihin ng hari sa kanila na nasa kaniyang bahaging kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda sa inyo mula pa sa pagkatatag ng sanlibutan 35 sapagkat ako ay nagutom ngunit binigyan ninyo ako ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit binigyan ninyo ako ng maiinom. Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay inyong pinatuloy. 36 Ako ay naging hubad ngunit ako ay dinamtan ninyo. Ako ay nagkasakit ngunit ako ay inyong dinalaw. Ako ay nabilanggo ngunit ako ay inyong pinuntahan.’ 37 “Sa oras na iyon ay sasagot ang mga matuwid sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain ka namin, o nauuhaw at binigyan ka namin ng maiinom? 38 At kailan ka namin nakitang naging dayuhan at pinatuloy ka namin, o naging hubad at dinamitan ka namin? 39 Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at kami ay pumunta sa iyo?’ 40 Sa pagsagot ng hari ay sasabihin niya sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid ko, ito ay ginawa ninyo sa akin.’ 41 “Pagkatapos ay sasabihin din niya sa kanila na nasa bahaging kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa patungo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel 42 sapagkat ako ay nagutom ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng maiinom. 43 Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay hindi ninyo pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit ako ay hindi ninyo dinamtan. Ako ay nagkasakit at nabilanggo ngunit ako ay hindi ninyo dinalaw.’ 44 “Sa oras na iyon ay sasagot din sila sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o naging dayuhan, o naging hubad, o nagkasakit, o nabilanggo at hindi kami naglingkod sa iyo?’ 45 Kaya siya ay sasagot sa kanila na sinasabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, ito ay hindi ninyo ginawa sa akin.’ 46 At ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay patungo sa buhay na walang hanggan.” |








