6 Nang lumapit siya kay Simon Pedro at sinabi ni Pedro, “Panginoon, huhugasan mo ba ang aking mga paa?”7 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Ang aking ginagawa ay hindi mo nauunawaan sa ngayon, ngunit malalaman mo pagkatapos ng mga ito.”8 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Kailanman ay hindi mo huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus sa kaniya, “Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin.”