Varovaisuus
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus maalaga maingat na pagbabantay mga tagapaglingkod pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 12:35-40 Matthew 24:42-44 |
Luke 1235 “Hayaan ninyo na ang inyong mga balakang ay mabigkisan at ang inyong ilawan ay palaging nagniningas,36 at kayo ay katulad sa mga taong naghihintay sa kanilang panginoon kung kailan siya babalik mula sa kasalan, na sa kaniyang pagdating at pagkatok, siya ay kaagad nilang mapapagbuksan.37 Pinagpala ang mga aliping iyon, na sa pagdating ng panginoon ay matatagpuang nagbabantay. Katotohanang sinasabi ko sa inyo na bibigkisan niya ang kaniyang sarili at siya ay dudulog sa hapag at sa kaniyang paglapit, siya ay maglilingkod sa kanila.38 At kung siya ay makarating sa ikalawang pagbabantay, o kung siya ay makarating sa ikatlong pagbabantay at matatagpuan sila sa gayong paraan ay pinagpala ang mga aliping iyon.39 Ngunit alamin ninyo ito, na kung alam ng may-ari ng sambahayan ang oras ng pagdating ng magnanakaw, nagbantay sana siya at hindi niya pinabayaan na napagnakawan ang kaniyang bahay.40 Kaya maging handa rin kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala.” Matthew 2442 Kaya magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung anong oras darating ang inyong Panginoon.43 Ngunit nalalaman ninyo ito, na kung nalaman ng may-ari ng sambahayan ang oras ng pagbabantay ng pagdating ng magnanakaw, siya sana ay nagbantay at hindi niya sana pinabayaang mapasok ang kaniyang bahay.44 Kaya maging handa rin kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala. | |








