Varallisuus
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus kayamanan mayaman pahimakas tanga Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 12:13-27 |
Luke 1213 At may isang nagsabi sa kaniya mula sa napakaraming tao, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na lalaki na hatiin ang mana kasama ako.”14 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginoo, sino ang nagtalaga sa akin na maging tagapaghatol o tagapaghati para sa inyo?”15 At sinabi niya sa kanila, “Tingnan ninyo at mag-ingat kayo mula sa kasakiman sapagkat ang buhay ng sinuman ay wala sa kasaganaan ng mga bagay na kaniyang tinatangkilik.”16 Kaya isinalaysay niya ang isang talinghaga sa kanila na sinasabi, “Ang lupain ng isang mayamang lalaki ay namunga ng sagana.17 At kaniyang masusing pinag-isipan sa kaniyang sarili na sinasabi, ‘Ano ang maari kong gawin sapagkat wala akong lugar na pag-iimbakan ng mga bunga na inani ko?’18 At sinabi niya, ‘Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng higit na malaki at doon ko iipunin ang lahat ng aking mga ani at ang aking mga ari-arian.19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, “Kaluluwa ko, ikaw ay nakapag-ipon ng maraming ari-arian para sa maraming taon. Magpahinga ka. Kumain ka. Uminom ka. Magsaya ka.” ’20 Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya, ‘Hangal! Sa gabing ito ay babawiin sa iyo ang iyong kaluluwa. Ngunit kanino mapupunta ang mga bagay na iyong inihanda?’21 “Ganito ang isang nag-iimpok ng kayamanan para sa kaniyang sarili ngunit hindi mayaman sa harap ng Diyos.”22 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong ibibihis sa inyong katawan.23 Ang buhay ay higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay higit kaysa sa damit.24 Pagmasdan ninyong mabuti ang mga uwak sapagkat hindi sila naghahasik, ni hindi sila nag-aani, ni wala silang silid o kamalig, ngunit ang Diyos ang nagpapakain sa kanila. Gaano pa kaya kayo na higit na mahalaga kaysa sa mga ibon?25 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad?26 Kaya yamang hindi ninyo magawa kahit ang pinakamaliit na bagay, bakit kayo nababalisa sa iba?27 Unawain ninyong mabuti ang mga liryo kung paano lumalaki na hindi nagpapagal, ni nagsisinulid. Gayunpaman, ako ang nagsasabi sa inyo na kahit si Solomon ay hindi nakapagdamit nang katulad sa isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian. | |








