17 Pagtagubilinan mo ang mayayaman sa kapanahunang ito na huwag silang maging mapagmataas, ni umasa sa kayamanang walang katiyakan kundi sa Diyos na buhay na siyang masaganang nagkakaloob sa atin ng lahat ng mga bagay upang ating matamasa,
1 Timothy 6
8 Kaya sa pagkakaroon ng mga pagkain at mga damit ay maging sapat na sa atin ang mga ito.9 Subalit sila na nagnanais na maging mayaman ay nahuhulog sa tukso at sa bitag at sa mga hangaring mangmang at mapaminsala na siyang naglulubog sa mga tao patungo sa pagkawasak at pagkapahamak10 sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ang ugat ng lahat ng mga kasamaan, na sa paghahangad nito ay nailigaw ang ilan palayo sa pananampalataya at tinuhog nila ng maraming pagdadalamhati ang kanilang sarili.
Ecclesiastes 5
13 There is a grievous evil that I have seen under the sun: riches were kept by their owner to his hurt,14 and those riches were lost in a bad venture. And he is father of a son, but he has nothing in his hand.
John 6
27 Huwag kayong magpagal para sa pagkaing nasisira kundi para sa pagkaing nananatili sa buhay na walang hanggan na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao sapagkat siya ang tinatakan ng Diyos Ama.”
Matthew 6
19 “Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan sa lupa kung saan ang tanga at ang kalawang ay nakakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay nakakapanloob at nakakapagnakaw.
Proverbs 23
4 Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan.5 Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.
Proverbs 27
24 Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi?