Valkoiset kyyhkyset laskeutuvat
| Avainsanat | Dove Lentäminen lintu lintu Puhtaus Rauha rauha rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan rauhan Symboli symbol symboli symboli Toivottavasti toivomme valkoinen valkoinen valkoinen |
|---|---|
| Secondary Keywords | armollinen Feather Henki Henki Ikuinen jälkeläinen jälkeläisiä Kristinusko kunniaa Lentää Lentokenttä Lento Lento Lento Lento Lento Liitto Loistava Puhdasta Pyhä Rauhallinen Rauhallinen rauha Siipi Symboli Uskonnollinen uskonnollinen |
| Tertiary Keywords | Uskonnon uskonto |
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 1:29-34 Lucas 3:21-22 Matthew 3:13-17 Psalms 55:6 |
John 129 Kinabukasan nang nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan!30 Siya ang aking tinutukoy, ‘Ang paparitong kasunod ko ay isang lalaking higit kaysa sa akin sapagkat siya ay una sa akin.’31 Hindi ko siya kilala, ngunit ako ay naparitong nagbabawtismo sa tubig upang maihayag siya sa Israel.”32 Nagpatotoo si Juan na nagsasabi, “Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit katulad ng kalapati, at ito ay nananahan sa kaniya.33 Hindi ko siya kilala, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa tubig, siya rin ang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bumababa at nananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’34 Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos.” Luke 321 At nangyari, nang ang lahat ng tao ay nabawtismuhan at si Jesus ay nabawtismuhan at nanalangin, ang langit ay nabuksan.22 At ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya sa anyong katawan na katulad ng kalapati. At may tinig na nagmula sa langit na nagsasabi, “Ikaw ang pinakamamahal kong anak, ako ay lubos na nalulugod sa iyo.” Matthew 313 Sa panahong iyon, mula sa Galilea patungong Jordan, si Jesus ay pumunta kay Juan upang magpabawtismo sa kaniya.14 Ngunit siya ay pinigilan ni Juan na nagsasabi, “Ako ang may kailangan na iyong bawtismuhan, subalit ikaw ang lumalapit sa akin.”15 Ngunit sumagot si Jesus sa kaniya na sinabi, “Payagan mo na ito ay mangyari ngayon sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang tuparin ang buong katuwiran.” Kaya pumayag si Juan.16 At nang si Jesus ay nabawtismuhan, kaagad siyang umahon mula sa tubig, at narito, nabuksan ang kalangitan sa kaniya at nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang katulad ng isang kalapati at dumadapo kay Jesus.17 At narito, isang tinig mula sa kalangitan ang nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.” Psalm 556 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga. | |








