29 Kinabukasan nang nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan!30 Siya ang aking tinutukoy, ‘Ang paparitong kasunod ko ay isang lalaking higit kaysa sa akin sapagkat siya ay una sa akin.’31 Hindi ko siya kilala, ngunit ako ay naparitong nagbabawtismo sa tubig upang maihayag siya sa Israel.”32 Nagpatotoo si Juan na nagsasabi, “Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit katulad ng kalapati, at ito ay nananahan sa kaniya.33 Hindi ko siya kilala, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa tubig, siya rin ang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bumababa at nananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’34 Aking nakita at pinatotohanan na siya ang Anak ng Diyos.”
Luke 3
21 At nangyari, nang ang lahat ng tao ay nabawtismuhan at si Jesus ay nabawtismuhan at nanalangin, ang langit ay nabuksan.22 At ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya sa anyong katawan na katulad ng kalapati. At may tinig na nagmula sa langit na nagsasabi, “Ikaw ang pinakamamahal kong anak, ako ay lubos na nalulugod sa iyo.”
Matthew 3
13 Then Jesus came from Galilee to the Jordan to John, to be baptized by him.14 John would have prevented him, saying, “I need to be baptized by you, and do you come to me?”15 But Jesus answered him, “Let it be so now, for thus it is fitting for us to fulfill all righteousness.” Then he consented.16 And when Jesus was baptized, immediately he went up from the water, and behold, the heavens were opened to him, and he saw the Spirit of God descending like a dove and coming to rest on him;17 and behold, a voice from heaven said, “This is my beloved Son, with whom I am well pleased.”
Psalm 55
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.