9 Ngunit ayon sa nasusulat, “Hindi nakita ng mata at hindi narinig ng tainga at hindi pumasok sa puso ng mga tao ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na umiibig sa kaniya.” Isa 64:410 Subalit ang mga ito ay inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, dahil ang Espiritu ang sumasaliksik sa lahat ng mga bagay kahit ang malalalim na bagay ng Diyos,11 sapagkat sino sa mga tao ang nakaalam sa mga bagay ng tao, kundi ang espiritu ng tao na nasa kaniya? Gayundin, walang sinumang nakakaalam sa mga bagay ng Diyos kundi ang espiritu ng Diyos.12 Ngunit hindi namin tinanggap ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang malaman na namin ang mga bagay na ipinagkaloob sa amin ng Diyos.