Kuka on ensimmäinen?
| Secondary Keywords | alagad James Jeesus Jeesus Juan pahimakas una Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Mark 1035 At lumapit kay Jesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na nagsasabi, “Guro, ninanais namin na anuman ang aming hihilingin sa iyo ay iyong gagawin sa amin.” 36 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ano ang ibig ninyong gawin ko para sa inyo?” 37 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ipagkaloob mo sa amin na kami ay makaupo sa iyong kaluwalhatian, ang isa ay sa bahaging kanan mo at ang isa ay sa bahaging kaliwa mo.” 38 Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihiling. Magagawa ba ninyong inumin ang sarong aking iinumin at mabawtismuhan ng bawtismong ibinabawtismo sa akin?” 39 At sinabi nila kay Jesus, “Magagawa namin.” Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang saro nga na aking iniinom ay iinumin ninyo at ang bawtismo na ibinabawtismo sa akin ay ibabawtismo sa inyo. 40 Ngunit ang pag-upo sa aking bahaging kanan at sa aking bahaging kaliwa ay hindi ako ang magkakaloob kundi ito ay ipagkakaloob sa kanila na pinaghandaan nito.” 41 At nang narinig ito ng sampu, nagsimula ang kanilang labis na galit kina Santiago at Juan. 42 Ngunit pagkatawag ni Jesus sa kanila, sinabi niya sa kanila, “Alam na ninyo na ang mga kinikilala na namumuno sa mga Gentil ay namumuno na may pagkapanginoon sa kanila, at ang mga dakila sa kanila ay namamahala na may pamimilit sa kanila. 43 Subalit huwag itong mangyaring gayon sa inyo kundi ang sinumang magnanais na maging dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo. 44 At sinuman sa inyo ang magnanais na maging pangunahin ay magiging alipin ng lahat 45 sapagkat kahit ang Anak ng Tao ay hindi pumarito upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos sa marami.” Matthew 2020 Pagkatapos nito, ang ina ng mga anak ni Zebedeo kasama ang kaniyang mga anak na lalaki ay lumapit kay Jesus na sumasamba at humihiling sa kaniya. 21 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ano ang ninanais mo?” Sinabi niya sa kaniya, “Sabihin mo na itong dalawa kong anak ay mauupo sa iyong kaharian, ang isa ay sa iyong bahaging kanan at ang isa ay sa iyong bahaging kaliwa.” 22 Ngunit sumagot si Jesus, “Hindi ninyo alam kung ano ang inyong hinihiling. Kakayanin ba ninyong inumin ang sarong malapit ko nang inumin at bawtismuhan sa bawtismong ibinabawtismo sa akin?” Sinabi nila sa kaniya, “Makakaya namin.” 23 Subalit sinabi niya sa kanila, “Iinumin nga ninyo ang aking saro at babawtismuhan kayo ng bawtismo na ibinabawtismo sa akin, ngunit hindi ako ang magkakaloob ng pag-upo sa aking bahaging kanan at sa aking bahaging kaliwa sapagkat ito ay para sa kanila na ipinaghanda ng aking Ama.” 24 Nang narinig ito ng sampu ay lubha silang nagalit sa magkapatid. 25 Ngunit sila ay tinawag ni Jesus na lumapit sa kaniya at sinabi, “Alam na ninyo na ang mga pinuno ng mga Gentil ay namumuno na may pagkapanginoon sa kanila at ang mga dakilang tao ay namamahalang may kapangyarihan sa kanila. 26 Ngunit hindi dapat ganoon ang mangyayari sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo ang nagnanais na maging dakila, hayaan siyang maging tagapaglingkod ninyo. 27 At sinuman sa inyo ang magnanais na maging pangunahin, hayaan siyang maging alipin ninyo, 28 kung paanong ang Anak ng Tao ay hindi pumarito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at upang ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos sa marami.” |








