Lesken Mite
| Secondary Keywords | balo dalawa Jeesus Jeesus mga barya napakaliit na hayop pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 21:1-4 Marcos 12:41-44 |
Luke 211 At nang tumingala si Jesus, nakita niya ang mga mayaman na naghuhulog ng kanilang mga kaloob sa kaban ng yaman.2 At nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghuhulog doon ng dalawang lepta°.3 At sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang dukhang babaing balong ito ay naghulog ng higit kaysa sa lahat4 sapagkat ang lahat ng mayayamang ito ay naghulog ng mga kaloob sa Diyos mula sa kanilang kasaganaan, ngunit mula sa karukhaan ng isang ito ay inihulog niya ang kaniyang buong kabuhayan.” Mark 1241 At nang umupo si Jesus sa tapat ng kaban ng yaman, nakita niya kung paano naghuhulog ng salapi sa kaban ng yaman ang napakaraming tao. Marami ring mayaman ang naghulog ng maraming salapi.42 Sa paglapit ng dukhang babaing balo, naghulog siya ng dalawang lepta° na halos katumbas ng sentimo°.43 At nang pinalapit ni Jesus sa kaniya ang kaniyang mga alagad, sinabi niya sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang dukhang babaing balong ito ang naghulog ng higit kaysa sa lahat ng mga naghulog sa kaban ng yaman44 sapagkat lahat ay naghulog mula sa kanilang kasaganaan, ngunit mula sa kaniyang karukhaan ay inihulog niya ang lahat ng kaniyang mga tinatangkilik, kahit ang kaniyang buong kabuhayan.” | |








