1 At nang tumingala si Jesus, nakita niya ang mga mayaman na naghuhulog ng kanilang mga kaloob sa kaban ng yaman.2 At nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghuhulog doon ng dalawang lepta°.3 At sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang dukhang babaing balong ito ay naghulog ng higit kaysa sa lahat4 sapagkat ang lahat ng mayayamang ito ay naghulog ng mga kaloob sa Diyos mula sa kanilang kasaganaan, ngunit mula sa karukhaan ng isang ito ay inihulog niya ang kaniyang buong kabuhayan.”