10 Ayon sa kaloob na tinanggap ng bawat isa, ito ay ipaglingkod ninyo sa inyong kapwa bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang biyaya ng Diyos.
Isaiah 30
21 At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.
Isaiah 58
11 At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.
John 16
3 Gagawin nila sa inyo ang mga bagay na ito sapagkat hindi nila kilala ang Ama, ni ako.
John 7
17 Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kaniyang kalooban, malalaman niya ang patungkol sa katuruan, kung ito ay mula sa Diyos o kung ako ay nagsasalita mula sa aking sarili.
Proverbs 3
5 Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
Psalm 23
1 Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.
Psalm 32
8 Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
Psalm 37
23 Ang lakad ng tao ay itinatag ng Panginoon; at siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
Romans 8
14 Sapagkat ang sinumang pinapangunahan ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos