Viisaan rakentajan koti
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus matalino pahimakas sakyan Sermon sira ang bait tagabuo ng tahanan Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 6:46-49 Matthew 7:24-29 |
Luke 646 “Ngunit bakit ninyo ako tinatawag, ‘Panginoon, Panginoon,’ subalit hindi ninyo ginagawa ang aking sinasabi?47 Ang bawat isang lumalapit sa akin at nakikinig ng aking mga salita at kaniyang ginagawa ang mga ito ay ipapakita ko sa inyo kung sino ang katulad niya.48 Siya ay katulad ng isang lalaking nagtatayo ng bahay, na naghukay ng malalim at naglagay ng saligan sa bato. Ngunit nang nagkaroon ng baha, ang agos ng ilog ay humampas nang malakas sa bahay na iyon, subalit hindi nito natinag ang bahay sapagkat ito ay naitayo sa bato.49 At siya na nakarinig at hindi gumawa ay katulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa na walang saligan at ang agos ng ilog ay humampas nang malakas sa bahay, at iyon ay bumagsak kaagad. Kaya ang pagkasira ng bahay na iyon ay naging malaki.” Matthew 724 “Kaya ang sinumang dumirinig sa mga salita kong ito at isinasagawa ang mga ito, siya ay ihahalintulad ko sa isang lalaking matalino na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng bato.25 At bumuhos ang ulan at dumating ang baha at umihip ang hangin at kanilang hinampas ang bahay na iyon, ngunit iyon ay hindi bumagsak sapagkat iyon ay nakatatag sa ibabaw ng bato.26 “At ang bawat isang dumirinig sa mga salita kong ito at hindi isinasagawa ang mga ito ay maihahalintulad sa isang lalaking mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng buhangin.27 At bumuhos ang ulan at dumating ang mga baha at umihip ang mga hangin at kanilang hinampas ang bahay na iyon at iyon ay bumagsak at lubos ang kaniyang pagkawasak.”28 At nangyari, nang natapos ni Jesus ang mga pananalitang ito, ang napakaraming tao ay nanggilalas sa kaniyang katuruan29 sapagkat sila ay tinuturuan niya katulad ng isang may kapamahalaan at hindi katulad ng mga eskriba. | |








