Wjpas0782
| Secondary Keywords | baluti kagamitan kawal proteksyon Roman tanso |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Ephesians 6:11-18 |
Ephesians 611 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa mga lalang ng diyablo.12 Sapagkat hindi tayo nakikipagtunggali laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito, at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan.13 Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang sa masamang araw ay makayanan ninyong tumayo laban sa kaaway, at tumayo pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay.14 Tumayo nga kayo na nabibigkisan ng katotohanan ang inyong mga balakang, at isuot ninyo ang pandibdib na baluti ng katuwiran,15 at isuot ninyo ang kahandaan ng ebanghelyo ng kapayapaan sa inyong mga paa.16 Higit sa lahat, kunin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na sa pamamagitan nito ay maaapula ninyo ang lahat ng mga nag-aapoy na palaso ng masama.17 At tanggapin ninyo ang helmet ng kaligtasan, at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos.18 Sa lahat ninyong panalangin at pagdaing, manalangin kayo sa lahat ng panahon sa pamamagitan ng Espiritu, at sa mismong bagay na ito ay magbantay kayo nang buong tiyaga at pagdaing para sa lahat ng mga banal. | |








