1 At pagkatapos ng mga bagay na ito, nang si Pablo ay umalis mula sa Atenas, siya ay pumunta sa Corinto.2 At natagpuan doon ni Pablo ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila, isang lalaking ipinanganak sa Ponto, na kagagaling pa lamang mula sa Italia kasama ang kaniyang asawang si Priscila. Siya ay pumunta sa kanila (sapagkat iniutos ni Claudio na umalis mula sa Roma ang lahat ng mga Judio).3 At dahil magkatulad ang kanilang hanapbuhay, siya ay nanirahang kasama nila at gumawa. Ang kanilang hanapbuhay ay paggawa ng mga tolda.