24 Pagkatapos nito ay sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod siya sa akin.25 Ito ay sapagkat ang sinumang magnanais na iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang sinumang mawawalan ng kaniyang buhay alang-alang sa akin ay masusumpungan ito.26 Dahil ano ang napapakinabangan ng isang tao kapag makamtan niya ang buong sanlibutan at mapahamak ang kaniyang kaluluwa? O ano ang ibibigay ng isang tao kapalit ng kaniyang kaluluwa?27 Sapagkat ang Anak ng Tao ay malapit ng dumating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. Pagkatapos nito ay gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang gawa.