48 At nang siya ay nakita nila, sila ay nagtaka. At sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, “Anak, bakit ganito ang ginawa mo sa amin? Tingnan mo, ang iyong ama at ako ay naghanap sa iyo na nahahapis.”49 Subalit sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ako hinanap? Hindi ba ninyo alam na kinakailangan kong gawin ang mga bagay patungkol sa aking Ama?”50 Ngunit hindi nila naunawaan ang mga salitang sinabi niya sa kanila.51 At siya ay lumusong na kasama nila at dumating sa Nazaret at naging mapagpasakop sa kanila. At iningatang mabuti ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga salitang ito.52 At si Jesus ay lumago sa karunungan at sa pangangatawan at sa pagbibigay lugod sa Diyos at sa mga tao.