51 At siya ay lumusong na kasama nila at dumating sa Nazaret at naging mapagpasakop sa kanila. At iningatang mabuti ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga salitang ito.52 At si Jesus ay lumago sa karunungan at sa pangangatawan at sa pagbibigay lugod sa Diyos at sa mga tao.
Mark 6
3 Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba kasama natin dito ang kaniyang mga kapatid na babae?” At sila ay natisod sa kaniya.
Matthew 13
55 Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi nga ba ang kaniyang ina ay tinatawag na Maria at ang kaniyang mga kapatid na lalaki ay sina Santiago at Jose at Simon at Judas?