2 Narito, may isang lalaking tinatawag na Zaqueo. Siya ang punong maniningil ng buwis at siya ay mayaman.3 At hinahangad niyang makita kung sino si Jesus, ngunit hindi niya ito magawa dahil sa napakaraming tao, sapagkat siya ay hindi matangkad.4 Kaya siya ay tumakbo sa unahan at umakyat sa puno ng sikamoro upang makita niya si Jesus sapagkat si Jesus ay papadaan sa daang iyon.5 At nang si Jesus ay dumating sa dakong iyon, siya ay tumingala at nakita niya si Zaqueo at sinabi sa kaniya, “Zaqueo, magmadali kang bumaba sapagkat sa araw na ito ay kinakailangang ako ay manatili sa iyong bahay.”