Zacche
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus kaibigan pahimakas puno Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 19:1-10 |
Luke 191 Si Jesus ay pumasok at dumaan sa Jerico.2 Narito, may isang lalaking tinatawag na Zaqueo. Siya ang punong maniningil ng buwis at siya ay mayaman.3 At hinahangad niyang makita kung sino si Jesus, ngunit hindi niya ito magawa dahil sa napakaraming tao, sapagkat siya ay hindi matangkad.4 Kaya siya ay tumakbo sa unahan at umakyat sa puno ng sikamoro upang makita niya si Jesus sapagkat si Jesus ay papadaan sa daang iyon.5 At nang si Jesus ay dumating sa dakong iyon, siya ay tumingala at nakita niya si Zaqueo at sinabi sa kaniya, “Zaqueo, magmadali kang bumaba sapagkat sa araw na ito ay kinakailangang ako ay manatili sa iyong bahay.”6 Kaya siya ay nagmadaling bumaba at nagagalak niyang tinanggap si Jesus.7 At nang nakita nila ito, silang lahat ay nagbulung-bulungan na sinasabi, “Siya ay pumasok upang manunuluyan kasama ng makasalanang lalaki.”8 At si Zaqueo ay tumayo at sinabi sa Panginoon, “Panginoon, narito, ang kalahati ng aking mga tinatangkilik ay ibinibigay ko sa mga dukha, at kung ako ay kumuha ng anuman sa sinuman sa pamamagitan ng maling pagparatang ay ibabalik ko sa kaniya nang makaapat na ulit.”9 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sa araw na ito, ang kaligtasan ay dumating sa tahanang ito yamang siya rin ay anak ni Abraham,10 sapagkat ang Anak ng Tao ay pumarito upang hanapin at iligtas ang napahamak.” | |








