Sakaria
| Secondary Keywords | buhay Jeesus Jeesus Juan maaga Ministeriö pahimakas panganganak Uusi uusi uusi Zacarias |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 1:57-80 |
Luke 157 At dumating na ang panahon ng panganganak ni Elisabet at siya ay nagsilang ng isang anak na lalaki.58 Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at ng kaniyang mga kamag-anak na dinadagdagan ng Panginoon ang kaniyang kahabagan sa kaniya at sila ay nakigalak sa kaniya.59 At nangyari na sa ikawalong araw, sila ay dumating upang tuliin ang bata. At siya ay tinawag nilang Zacarias alinsunod sa pangalan ng kaniyang ama.60 Ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi, “Hindi, sa halip, siya ay tatawaging Juan.”61 Subalit sinabi nila sa kaniya, “Wala ni isa sa iyong mga kamag-anak ang tinawag sa pangalang ito.”62 At sila ay sumenyas sa kaniyang ama kung ano ang ninanais niyang itawag sa sanggol.63 At nang siya ay nakahingi ng mapagsusulatan, siya ay sumulat na sinasabi, “Juan ang kaniyang pangalan.” At silang lahat ay namangha.64 At kaagad nabuksan ang kaniyang bibig at ang kaniyang dila ay nakalagan at siya ay nagsalita na nagpupuri sa Diyos.65 At nagkaroon ng takot ang lahat ng mga naninirahan sa kanilang paligid. At ang lahat ng mga salitang ito ay pinag-usap-usapan sa buong maburol na lupain ng Judea.66 Isinapuso ng lahat ng mga nakarinig ang mga bagay na ito na sinasabi, “Magiging ano kaya ang batang ito?” At ang kamay ng Panginoon ay sumakaniya.67 Si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Banal na Espiritu at naghayag na sinasabi,68 “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel sapagkat dinalaw niya at tinubos ang kaniyang bayan,69 at ibinangon ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa sambahayan ni David na kaniyang lingkod70 ayon sa kaniyang sinabi sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta mula noong una.71 Ito ay ang kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mula sa kamay ng lahat ng mga namumuhi sa atin,72 upang isagawa ang kahabagan sa ating mga ninuno at upang alalahanin ang kaniyang banal na tipan.73 Ito ang pangako na kaniyang sinumpaan kay Abraham na ating ama,74 upang ipagkaloob sa atin na mga iniligtas mula sa kamay ng ating mga kaaway, upang maglingkod sa kaniya nang walang takot,75 sa kabanalan at sa katuwiran sa kaniyang harapan habang tayo ay nabubuhay.76 At ikaw, maliit na bata, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan sapagkat hahayo ka sa harapan ng Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daan,77 upang magbigay ng kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan78 sa pamamagitan ng mahabaging kalooban ng ating Diyos kung saan ang Sikat ng Liwanag mula sa kaitaasan ay dumalaw sa atin,79 upang magliwanag sa mga nasa kadiliman at sa mga nakaupo sa lilim ng kamatayan, upang patnubayan ang ating mga paa sa landas ng kapayapaan.”80 At ang maliit na bata ay lumaki at lumakas sa espiritu. At siya ay nanatili sa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel. | |








