10 At ang lahat ng napakaraming tao ay nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng insenso.11 At isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng insenso.12 At si Zacarias ay naguluhan at natakot pagkakita niya sa anghel.13 Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Zacarias, sapagkat ang iyong kahilingan ay dininig na. Ang iyong asawang si Elisabet ay magsisilang sa iyo ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kaniya ay Juan.