9 at ayon sa kaugalian ng paglilingkod bilang saserdote, natanggap niya sa palabunutan ang pagsunog ng insenso nang siya ay pumasok sa banal na dako ng templo ng Panginoon.10 At ang lahat ng napakaraming tao ay nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng insenso.11 At isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng insenso.12 At si Zacarias ay naguluhan at natakot pagkakita niya sa anghel.