Sakarjan visio
| Secondary Keywords | anghel dambana Juan mensahe pari Poika poika templo Zacarias |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 1:11-20 |
Luke 111 At isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng insenso.12 At si Zacarias ay naguluhan at natakot pagkakita niya sa anghel.13 Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Zacarias, sapagkat ang iyong kahilingan ay dininig na. Ang iyong asawang si Elisabet ay magsisilang sa iyo ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kaniya ay Juan.14 At magkakaroon ka ng kagalakan at labis na kagalakan, at marami ang magagalak sa kaniyang kapanganakan,15 sapagkat siya ay magiging dakila sa harapan ng Panginoon. Siya ay hinding-hindi iinom ng alak at ng nakakalasing na inumin. At siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu mula sa sinapupunan ng kaniyang ina,16 at marami sa mga anak ni Israel ang kaniyang papanumbalikin sa Panginoon nilang Diyos.17 Siya ay hahayo sa harapan ng Panginoon sa espiritu at kapangyarihan ni Elias ‘upang panumbalikin ang mga puso ng mga ama sa mga anak,’ at ang mga masuwayin patungo sa karunungan ng mga matuwid upang ihanda ang isang bayang nakahanda na sa Panginoon.”18 Ngunit sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko ito malalaman? Sapagkat ako ay matanda na at lipas na ang mga taon ng aking asawa.”19 Subalit sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ako ay si Gabriel na siyang nakatayo sa harapan ng Diyos. Ako ay sinugo upang makipag-usap sa iyo at upang ipahayag sa iyo ang mabubuting balitang ito.20 Kaya narito, ikaw ay magiging pipi at hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na magaganap ang mga bagay na ito sapagkat hindi ka sumampalataya sa aking mga salita na matutupad sa kanilang kapanahunan.” | |








