24 Ngunit pagkalipas ng mga araw na iyon, ang kaniyang asawang si Elisabet ay naglihi at siya ay nagtago nang limang buwan. Sinabi niya,25 “Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw na ako ay kaniyang isinaalang-alang upang alisin ang aking kahihiyan sa mga tao.”
Luke 2
36 Naroroon din si Ana, isang babaing propeta na anak ni Fanuel, mula sa lipi ni Aser. Siya ay napakatanda na at pitong taon siyang namuhay kasama ng asawa mula sa kaniyang pagkadalaga,37 at siya ay halos walumpu't apat na taon nang balo at hindi na siya umalis sa templo. Araw at gabi siya ay naglilingkod sa Diyos na may mga pag-aayuno at mga pagdalangin.38 Nang siya ay pumasok sa oras ding iyon, siya ay nagpasalamat sa Panginoon at nagsalita patungkol kay Jesus sa kanilang lahat na naghihintay ng katubusan sa Jerusalem.