1 Kinaumagahan, ang mga punong saserdote ay kaagad bumuo ng sanggunian, kasama ang matatanda at ang mga eskriba at ang buong Sanhedrin. Pagkagapos nila kay Jesus, siya ay dinala nila at ibinigay kay Pilato.2 At si Pilato ay nagtanong sa kaniya, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Ngunit nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ang nagsasabi.”