Uskovaiset rukoilevat yhdessä
| Secondary Keywords | beses magdasal Mananampalataya panalangin Raamattu |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 11 O Teofilo, totoong ang unang salaysay na isinulat ko ay patungkol sa lahat ng mga sinimulang isagawa at ituro ni Jesus, 2 hanggang sa araw na siya ay dinala paitaas, pagkatapos niyang ibinigay ang mga utos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa mga apostol na kaniyang pinili. 3 Siya rin mismo ay buhay na nagpakita sa kanila, pagkatapos ng kaniyang paghihirap, sa pamamagitan ng maraming hindi magkakamaling katibayan. Siya ay nagpakita sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagsalita siya ng mga bagay patungkol sa paghahari ng Diyos. 4 Sa kaniyang pakikipagtipon sa kanila, sila ay inatasan niya upang huwag umalis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, “na narinig ninyo sa akin 5 sapagkat si Juan ay totoong nagbawtismo sa tubig, ngunit kayo ay babawtismuhan sa Banal na Espiritu ilang araw mula ngayon.” 6 Nang sila nga ay nagtipun-tipon, sila ay nagtanong sa kaniya na sinasabi, “Panginoon, ipinapanumbalik mo ba ang paghahari sa Israel sa oras na ito?” 7 Sinabi niya sa kanila, “Hindi para sa inyo na malaman ang mga oras o ang mga panahon na inilagay ng Ama sa sarili niyang kapamahalaan. 8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating na sa inyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging aking mga tagapagpatotoo sa Jerusalem, sa buong Judea, sa Samaria at sa pinakamalayong bahagi ng daigdig.” 9 At pagsabi niya ng mga bagay na ito, habang siya ay pinagmamasdan nila, siya ay dinala paitaas at ikinubli siya ng ulap mula sa kanilang paningin. 10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila. 11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.” 12 Pagkatapos nito, sila ay bumalik sa Jerusalem mula sa bundok na tinatawag na Olibo. Ito ay malapit sa Jerusalem na isang lakbayin sa araw ng Sabat. 13 At nang sila ay nakapasok, sila ay umakyat sa itaas na silid kung saan nanunuluyan sila Pedro, Santiago, Juan, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan at si Judas na kapatid ni Santiago. 14 Silang lahat ay matiyagang nagpapatuloy na nagkakaisa sa pananalangin at sa paghiling kasama ang kababaihan at si Maria na ina ni Jesus, kasama rin ang mga lalaking kapatid ni Jesus. 15 At sa mga araw na iyon, tumindig si Pedro sa kalagitnaan ng mga alagad (ang bilang ng napakaraming tao sa dakong iyon ay halos isandaan at dalawampu), sinabi niya, 16 “Mga ginoo, mga kapatid, kinakailangang maganap ang mga Kasulatang ito yaong sinabi ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng bibig ni David patungkol kay Judas na naging gabay ng mga dumakip kay Jesus 17 sapagkat ibinilang siyang kasama natin at tinanggap ang bahagi ng paglilingkod na ito.” 18 (Kaya nga ang lalaking ito ay bumili ng lupain mula sa kabayaran ng kalikuan. At nang bumagsak siyang nauna ang ulo, bumuka ang kaniyang tiyan at sumambulat ang lahat ng kaniyang mga lamang-loob. 19 Ito ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, kaya ang itinawag sa lupaing iyon ay Akeldama sa kanilang sariling wika, na ang ibig sabihin ay Lupain ng Dugo.) 20 “Sapagkat ito ang nasusulat sa aklat ng mga Awit, ‘Hayaan ang kaniyang tirahan ay maging mapanglaw at huwag hayaang manirahan doon ang sinuman’ Awi 69:25 at ‘hayaang kunin ng iba ang kaniyang pamamahala.’ Awi 109:8 21 “Kaya sa mga lalaking nakasama natin sa lahat ng panahon nang ang Panginoong Jesus ay pumaroon at pumarito sa atin 22 mula sa simula ng bawtismo ni Juan, hanggang sa araw na si Jesus ay dinalang paitaas mula sa atin, isa sa mga ito ang kinakailangang maging kasama natin na tagapagpatotoo sa kaniyang muling pagkabuhay.” 23 Kaya iniharap nila ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas na ang palayaw ay Justo, at si Matias. 24 At sila ay nanalangin at nagsabi, “Panginoon, ikaw na nakakaalam ng mga puso ng lahat, ipakita mo sa amin mula sa dalawang ito ang iyong pinili 25 upang tanggapin ang bahaging paglilingkod na ito at ang pagkaapostol, na sinalangsang ni Judas upang pumunta siya sa dakong itinalaga sa kaniya.” 26 At ibinigay nila ang kanilang bahagi sa palabunutan at nahulog ang bahagi sa palabunutan kay Matias, at siya ay ibinilang sa labing-isang apostol. Acts 11 O Teofilo, totoong ang unang salaysay na isinulat ko ay patungkol sa lahat ng mga sinimulang isagawa at ituro ni Jesus, 2 hanggang sa araw na siya ay dinala paitaas, pagkatapos niyang ibinigay ang mga utos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa mga apostol na kaniyang pinili. 3 Siya rin mismo ay buhay na nagpakita sa kanila, pagkatapos ng kaniyang paghihirap, sa pamamagitan ng maraming hindi magkakamaling katibayan. Siya ay nagpakita sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagsalita siya ng mga bagay patungkol sa paghahari ng Diyos. 4 Sa kaniyang pakikipagtipon sa kanila, sila ay inatasan niya upang huwag umalis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, “na narinig ninyo sa akin 5 sapagkat si Juan ay totoong nagbawtismo sa tubig, ngunit kayo ay babawtismuhan sa Banal na Espiritu ilang araw mula ngayon.” 6 Nang sila nga ay nagtipun-tipon, sila ay nagtanong sa kaniya na sinasabi, “Panginoon, ipinapanumbalik mo ba ang paghahari sa Israel sa oras na ito?” 7 Sinabi niya sa kanila, “Hindi para sa inyo na malaman ang mga oras o ang mga panahon na inilagay ng Ama sa sarili niyang kapamahalaan. 8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating na sa inyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging aking mga tagapagpatotoo sa Jerusalem, sa buong Judea, sa Samaria at sa pinakamalayong bahagi ng daigdig.” 9 At pagsabi niya ng mga bagay na ito, habang siya ay pinagmamasdan nila, siya ay dinala paitaas at ikinubli siya ng ulap mula sa kanilang paningin. 10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila. 11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.” 12 Pagkatapos nito, sila ay bumalik sa Jerusalem mula sa bundok na tinatawag na Olibo. Ito ay malapit sa Jerusalem na isang lakbayin sa araw ng Sabat. 13 At nang sila ay nakapasok, sila ay umakyat sa itaas na silid kung saan nanunuluyan sila Pedro, Santiago, Juan, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan at si Judas na kapatid ni Santiago. 14 Silang lahat ay matiyagang nagpapatuloy na nagkakaisa sa pananalangin at sa paghiling kasama ang kababaihan at si Maria na ina ni Jesus, kasama rin ang mga lalaking kapatid ni Jesus. |








