2 Maging masigasig kayo sa pananalangin na binabantayan ito na may pagpapasalamat.
James 5
16 Ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga pagsalangsang at manalangin kayo para sa isa't isa upang kayo ay gumaling. Ang mataimtim na panalangin ng taong matuwid ay maraming magagawa.
Jeremiah 29
12 At kayo'y magsisitawag sa akin, at kayo'y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
Mark 11
24 Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, anumang mga bagay ang hilingin ninyo sa inyong pananalangin, manampalataya kayo na ito ay inyong nakakamtan, at ito ay mapapasainyo.
Matthew 6
6 Ngunit kapag ikaw ay nananalangin, pumasok ka sa iyong silid at pagkatapos mong isara ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama ng palihim at ang iyong Ama na nagmamasid ng palihim ang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan.
Psalm 118
5 Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.
Psalm 119
105 Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
Psalm 119
9 Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
Psalm 5
3 Oh Panginoon, sa kinaumagaha'y didinggin mo ang aking tinig; sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.