Jeesus Getsemanessa
| Avainsanat | Cristo Getsemani hardin Jesus Pasko ng Pagkabuhay Semana Santa |
|---|---|
| Secondary Keywords | Diyos harry anderson ito manalangin mula sa nananalangin Pacific press publishing pagdurusa pamamagitan panalangin sining tasa |
| Mga Banal na Kasulatan | John 171 Sinabi ni Jesus ang mga ito at itinanaw niya ang kaniyang mga mata sa langit at nagsabi, “Ama ang oras ay dumating na. Luwalhatiin mo ang iyong Anak upang luwalhatiin ka rin ng iyong Anak 2 kung paanong ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng tao upang ang lahat na ibinigay mo sa kaniya ay mabigyan ng buhay na walang hanggan. 3 At ito ang buhay na walang hanggan upang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesu-Cristo na iyong isinugo. 4 Ikaw ay aking niluwalhati sa lupa at ginanap ko ang gawaing ibinigay mo sa akin na dapat kong gawin. 5 Ama, luwalhatiin mo ako ngayon kasama ng iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay ko na kasama ka bago pa likhain ang sanlibutan. 6 “Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila ay sa iyo, ibinigay mo sila sa akin at tinupad nila ang iyong salita. 7 Ngayon ay alam na nila na ang lahat ng mga bagay na ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo, 8 sapagkat ibinigay ko na sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin at tinanggap nila ang mga ito. Totoong alam nila na ako ay nagmula sa iyo at sila ay sumampalataya na ako ay isinugo mo. 9 “Ako ay humihingi alang-alang sa kanila. Hindi ako humihingi para sa sangkatauhan kundi alang-alang sa kanila na ibinigay mo sa akin sapagkat sila ay sa iyo. 10 Ang lahat ng mga nasa akin ay sa iyo, ang mga sa iyo ay sa akin at ako ay naluwalhati sa kanila. 11 Ngayon ay wala na ako sa sanlibutan, ngunit ang mga ito ay nasa sanlibutan at ako ay patungo sa iyo. Banal na Ama, ingatan mo sila sa iyong pangalan, sila na ibinigay mo sa akin, upang sila ay maging isa katulad natin. 12 Nang ako ay nasa sanlibutan kasama nila, binantayan ko sila sa pangalan mo. Yaong mga ibinigay mo sa akin ay iningatan ko at walang sinuman sa kanila ang napahamak, maliban sa anak ng kapahamakan, upang ang Kasulatan ay matupad. 13 Subalit papunta ako sa iyo ngayon. Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko sa sangkatauhan upang sila ay magkaroon ng aking kagalakan at mapuspos sila nito. 14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita at sila ay kinamuhian ng sangkatauhan dahil sila ay hindi taga-sanlibutan, kung paanong ako ay hindi taga-sanlibutan. 15 Hindi ko hinihingi na kunin mo sila mula sa sanlibutan kundi upang maingatan mo sila mula sa kaniya na masama. 16 Sila ay hindi taga-sanlibutan kung paanong ako ay hindi taga-sanlibutan. 17 Pabanalin mo sila sa iyong katotohanan. Ang iyong salita ay katotohanan. 18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman isinugo ko sila sa sanlibutan. 19 Pinababanal ko ang aking sarili para sa kanilang kapakanan upang sila rin naman ay maging banal sa pamamagitan ng katotohanan. 20 “Ako ay humihingi hindi lamang para sa kanila ngunit para rin naman sa kanila na sasampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita, 21 upang silang lahat ay maging isa katulad sa iyo Ama na sumasaakin at ako ay sumasaiyo. Upang sila rin ay maging isa sa atin at upang ang sangkatauhan ay sumampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin. 22 Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila ay maging isa katulad natin na isa. 23 Ako ay sa kanila at ikaw ay sa akin upang sila ay maging ganap na isa, at upang malaman ng sangkatauhan na isinugo mo ako at inibig mo sila kung paanong ako ay inibig mo. 24 “Ama, ninanais ko na kung saan ako naroroon, yaon ding mga ibinigay mo sa akin ay makaparoon kasama ko, upang mamasdan nila ang aking kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin sapagkat inibig mo ako bago itinatag ang sanlibutan. 25 Matuwid na Ama, hindi ka kilala ng sangkatauhan subalit kilala kita at alam ng mga ito na ako ay isinugo mo. 26 At aking ipinahayag sa kanila ang iyong pangalan at ipapahayag ko pa ito upang ang pag-ibig mo, kung saan mo ako inibig, ay mapasakanila at ako ay sumakanila.” Luke 2239 At nang si Jesus ay lumabas, siya ay pumunta sa bundok ng mga Olibo ayon sa kinaugalian at ang kaniyang mga alagad ay sumunod din sa kaniya. 40 At pagdating niya sa dakong iyon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo pumasok sa tukso.” 41 At siya ay napahiwalay sa kanila na kasing-layo ng isang pukol ng bato at pagkaluhod niya, siya ay nanalangin 42 na sinasabi, “Ama, kung gugustuhin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunpaman, hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.” 43 At nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit na nagpapalakas sa kaniya. 44 At sa kaniyang matinding pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim at ang pawis niya ay naging katulad ng namuong dugo na pumapatak sa lupa. 45 At nang siya ay tumindig pagkatapos manalangin at pumunta sa kaniyang mga alagad, sila ay natagpuan niyang natutulog dahil sa kalungkutan. Mark 1435 Nang siya ay nakalayo nang kaunti, siya ay nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lumagpas sa kaniya ang oras na ito. Matthew 2636 Pagkatapos ay pumunta si Jesus kasama sila sa isang lupaing tinatawag na Getsemane at sinabi niya sa mga alagad, “Umupo kayo rito habang ako ay pupunta sa dako roon upang manalangin.” 37 At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang malungkot nang labis at malumbay nang lubos. 38 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ang aking kaluluwa ay lubhang nagdadalamhati hanggang sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay na kasama ko.” 39 At siya ay pumunta sa di-kalayuan at siya ay nagpatirapa sa kaniyang mukha at nanalangin na sinasabi, “Aking Ama, kung maaari ay hayaan mong lumampas sa akin ang sarong ito, gayunpaman, hindi ang ayon sa aking ninanais kundi ang sa iyo.” 40 At siya ay pumunta sa mga alagad at sila ay natagpuan niyang natutulog at sinabi niya kay Pedro, “Hindi ba ninyo kayang magbantay ng isang oras na kasama ko? 41 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.” 42 Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang umalis at nanalangin na sinasabi, “Aking Ama, kung hindi maaaring lumampas sa akin ang sarong ito maliban na ito ay aking inumin, mangyari ang iyong kalooban.” 43 At sa kaniyang pagbalik ay natagpuan niya sila na muling natutulog sapagkat ang kanilang mga mata ay bumigat na. 44 At sila ay kaniyang iniwan at muling umalis at nanalangin sa ikatlong pagkakataon na sinabi ang gayunding pananalita. 45 Pagkatapos ay pumunta siya sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Magsitulog kayo at saka magpahinga, narito, malapit na ang oras at ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo na sa mga kamay ng mga makasalanan. 46 Bumangon na kayo, aalis na tayo. Narito, siya na nagkakanulo sa akin ay malapit na.” |