11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at nang siya ay nakapagpasalamat, ipinamahagi niya sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga alagad sa mga nakaupo, gayundin ang mga isda, gaano man ang gustuhin nila.
Matthew 14
19 At inutusan niya ang napakaraming tao na umupo sa damuhan. At pagkakuha niya sa limang tinapay at dalawang isda, siya ay tumingala sa langit at kaniyang pinagpala at pagkatapos niyang pinagputol-putol ang mga tinapay ay kaniyang ibinigay sa kaniyang mga alagad at ang mga alagad sa napakaraming tao.
Matthew 15
36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nang siya ay nakapagpasalamat, pinagputul-putol niya ang mga ito at ibinigay sa kaniyang mga alagad at ang mga alagad sa napakaraming tao.