13 Anuman ang inyong hihilingin sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak.14 Kung hihiling kayo ng anumang bagay sa aking pangalan, gagawin ko iyon.
Matthew 21
22 At ang lahat ng mga bagay, anuman ang inyong hihilingin sa panalangin na may pananampalataya ay inyong makakamtan.”
Philippians 4
6 Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, sa halip, sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at ng paghiling na may pasasalamat ay ipagbigay-alam ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan,7 at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng pang-unawa ang mag-iingat sa inyong mga puso at mga pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Romans 12
12 nagagalak sa pag-asa, nagtitiis sa kahirapan, matatag na nagpapatuloy sa pananalangin,