27 Nang halos matapos na ang pitong araw, pagkakita ng mga Judio na nanggaling sa Asya kay Pablo sa loob ng templo, ginulo nila ang napakaraming tao at siya ay dinakip,28 at kanilang isinisigaw, “Mga lalaking taga-Israel, tumulong kayo! Ito ang lalaking nagtuturo sa mga tao, kahit saan, laban sa mga tao at sa Kautusan at sa dakong ito. Bukod pa rito, nagdala rin siya ng mga Griyego sa templo at dinungisan na ang banal na dakong ito.”29 Ito ay sapagkat nakita na nila noon si Trofimo na taga-Efeso na kasama niya sa lungsod, at inisip nilang siya ay ipinasok ni Pablo sa templo.30 At ang buong lungsod ay nagulo at nangyari, na ang mga tao ay sama-samang tumakbo at kanilang dinakip si Pablo at kinaladkad palabas sa templo. At ang mga pintuan ay isinara kaagad.31 At sa kanilang pagnanais na siya ay patayin, dumating ang balita sa pinunong kapitan ng batalyon na ang buong Jerusalem ay nagkagulo na.32 At siya ay nagsama kaagad ng mga kawal at ng mga senturion at sumugod sa kinaroroonan nila. At nang nakita nila ang pinunong kapitan at ang mga kawal, sila ay tumigil sa paghahampas kay Pablo.33 Kaya paglapit ng pinunong kapitan, siya ay hinuli at ipinag-utos na gapusin siya ng dalawang tanikala. At siya ay nagtanong kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa.34 Ngunit ang ilan sa napakaraming tao ay sumigaw ng isang bagay at ang ilan ay iba naman. At dahil hindi niya nalaman ang katotohanan dahil sa kaguluhan, iniutos niya na dalhin si Pablo sa himpilan.35 At nang siya ay dumating sa hagdanan, nangyari na siya ay binuhat ng mga kawal dahil sa karahasan ng napakaraming tao36 sapagkat ang napakaraming tao ay sumunod at sumisigaw, “Alisin mo siya!”37 Habang si Pablo ay ipinapasok sa himpilan, sinabi niya sa pinunong kapitan, “Pahihintulutan mo ba akong magsabi ng anuman sa iyo?” At sinabi niya, “Marunong ka bang magsalita ng Griyego?38 Hindi ba ikaw ang taga-Egipto na nang nakaraang araw ay nang-udyok ng kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong kalalakihan na mga mamamatay-tao?”