5 At ang anghel na nakita kong nakatayo sa dagat at sa lupa ay nagtaas ng kaniyang kamay sa langit,6 at siya ay sumumpa sa pamamagitan niyaong nabubuhay magpakailan pa man, na siyang lumikha ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ang mga bagay na naroroon, at ng dagat at ang mga bagay na naroroon, na ang panahon ay hindi na magtatagal.