11 Subalit si Maria na nakatayo sa labas ng libingan ay tumatangis, at habang siya ay tumatangis, siya ay yumuko at tumingin sa loob ng libingan,12 at nakita niyang nakaupo ang dalawang anghel na nakaputi. Ang isa ay nasa ulunan at ang isa ay nasa paanan ng pinaghimlayan ng katawan ni Jesus.13 Sinabi nila sa kaniya, “Ginang, bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila, “Sapagkat kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.”14 Pagkasabi niya ng mga ito, siya ay tumalikod at nakita niya si Jesus na nakatayo, ngunit hindi niya nakilala na iyon ay si Jesus.15 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginang, bakit ka tumatangis? Sino siya na hinahanap mo?” Sa pag-aakalang siya ang hardinero, sinabi niya sa kaniya, “Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay at kukunin ko siya.”16 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Maria!” Humarap siya at sinabi sa kaniya, “Rabbi!” na ang ibig sabihin ay guro.17 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa aking Ama, ngunit pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila, ‘Ako ay aakyat patungo sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.’ ”18 Si Maria na taga-Magdala ay pumunta na ibinabalita sa mga alagad dahil nakita niya ang Panginoon at ang mga bagay na sinabi ni Jesus sa kaniya.