Hän nousi
| Avainsanat | buhay damasko damit Herra himala immanuaalinen kaligtasan korona mga tinik muling pagkabuhay Nousu ylös pasyon Puku simbolo tela tela |
|---|---|
| Secondary Keywords | ay bakasyon Emmanuel handog ipako sa krus Jesus kadalisayan kalayaan kamatayan Kristo langit libingan libingan Master mga kuwento nabuhay na mag-uli ng ng sakripisiyo pagpapako sa krus pahimakas Pasko ng Pagkabuhay puti siya tinik ulap walang laman |
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 241 Sa unang araw ng linggo, maagang-maaga pa, sila at ang ilan pang mga babaing kasama nila ay pumunta sa libingan na dala-dala ang inihanda nilang mga pabango at mga pamahid. 2 Ngunit natagpuan nila ang bato na naigulong na mula sa libingan. 3 At nang sila ay pumasok, hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus. 4 At nangyari, na sa kanilang kalituhan patungkol dito, narito, may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na ang mga kasuotan ay nagniningning. 5 At sa kanilang pagkatakot at pagkiling ng kanilang mga mukha sa lupa, sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang isang nabubuhay sa mga patay? 6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa, 7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ” 8 At naalala nila ang kaniyang mga salita. 9 Nang sila ay nakauwi mula sa libingan, isinalaysay nila ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isang alagad at sa iba pa. 10 Si Maria na taga-Magdala, si Joana, si Maria na ina ni Santiago at ang ibang mga babaing kasama nila ang nagsabi ng mga bagay na ito sa mga apostol. 11 At ang kanilang mga salita ay naging parang walang kabuluhan sa kanila at sila ay hindi naniwala sa kanila. 12 Ngunit si Pedro ay tumayo at tumakbo patungo sa libingan at pagkayukod niya ay nakita niya ang mga telang lino na lamang ang nakalatag. At siya ay umuwi na namamangha sa kaniyang sarili sa nangyari. 13 At narito, nang araw ring iyon ay pumunta ang dalawa sa kanila sa isang nayon na tinatawag na Emaus, na ang layo mula sa Jerusalem ay animnapung estadya°. 14 At sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari. 15 At nangyari na habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, si Jesus din mismo ay lumapit at sumama sa kanila. 16 Ngunit ang kanilang mga mata ay pinipigilan upang hindi siya makilala. 17 At sinabi niya sa kanila, “Ano itong mga salita na inyong pinag-uusapan sa isa't isa habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mga mukha?” 18 Ngunit ang isang lalaki na ang pangalan ay Cleofas ay sumagot na sinabi kay Jesus, “Ikaw ba ay dayuhan lang sa Jerusalem na hindi nakaalam ng mga nangyari roon sa mga araw na ito?” 19 At sinabi niya sa kanila, “Anong mga bagay?” Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ang mga bagay patungkol kay Jesus na taga-Nazaret na naging tao, isang propeta na makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Diyos at sa lahat ng mga tao, 20 at kung paanong siya ay ibinigay ng aming mga punong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan ng kamatayan at siya ay ipinako nila sa krus. 21 Ngunit kami ay umaasa na siya yaong tutubos sa Israel at maliban sa lahat ng mga bagay na ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang nangyari ang mga bagay na ito. 22 Ngunit pinamangha rin kami ng ilang kasama naming mga babae na maagang pumunta sa libingan. 23 At nang hindi nila nakita ang katawan ni Jesus, sila ay pumunta sa amin na nagsasabing sila ay nakakita rin ng isang pangitain ng mga anghel na nagsasabing siya ay nabubuhay. 24 At ang ilan sa kanila na mga kasama namin ay pumunta sa libingan at natagpuan nila ito nang gayon, ayon din sa sinabi ng mga babae, ngunit hindi nila nakita si Jesus.” 25 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “O, kayong mga mangmang at mga mabagal ang puso upang sumampalataya sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta. 26 Hindi ba ang Cristo ay kinakailangang dumanas ng mga bagay na ito at papasok sa kaniyang kaluwalhatian?” 27 At simula kay Moises at sa lahat ng mga propeta ay ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng Kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili. 28 At sila ay papalapit na sa nayon na kanilang pupuntahan at ipinahiwatig niyang malayo pa ang pupuntahan niya. 29 Ngunit siya ay pinilit nila na sinasabi, “Manatili kang kasama namin sapagkat gumagabi na at lumipas na ang araw.” At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila. 30 At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala ito at pagkaputul-putol niya, ito ay ibinigay niya sa kanila. 31 At ang kanilang mga mata ay nabuksan at siya ay nakilala nila. Ngunit siya ay naglaho mula sa kanila. 32 Kaya sinabi nila sa isa't isa, “Hindi nga ba nag-aalab sa loob natin ang ating mga puso habang tayo ay kinakausap niya sa daan at kung paano niya ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan?” 33 At sila ay tumayo sa oras ding iyon at bumalik sa Jerusalem at natagpuan nilang nagkatipon ang labing-isang alagad at ang mga kasama nila. 34 Sinabi nila, “Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon.” 35 At isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung paanong siya ay nakilala nila sa pagputul-putol ng tinapay. 36 Ngunit habang sinasabi nila ang mga bagay na ito, si Jesus mismo ay tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, “Kapayapaan ang sumainyo.” 37 Subalit sila ay nagulat at natakot, at inaakala nilang nakakita sila ng espiritu. 38 At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo naguguluhan? At anong dahilan na dumarating ang mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso? 39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa sapagkat ako mismo ito. Hawakan ninyo ako at tingnan sapagkat ang espiritu ay walang laman at buto katulad ng nakikita ninyo na mayroon ako.” 40 At pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa. 41 Ngunit habang hindi pa sila makapaniwala dahil sa galak at pagkamangha, sinabi niya sa kanila, “Mayroon ba kayong anumang pagkain dito?” 42 At siya ay binigyan nila ng bahagi ng inihaw na isda at pulot mula sa bahay-pukyutan. 43 At kinuha niya ito at kumain siya sa harapan nila. 44 At sinabi niya sa kanila, “Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay na nasusulat sa mga Kautusan ni Moises at sa mga aklat ng mga Propeta at sa mga awit patungkol sa akin.” 45 Pagkatapos ay binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan. 46 At sinabi niya sa kanila, “Sa ganitong paraan ito ang nasusulat at sa ganitong paraan ang Cristo ay kinakailangang dumanas ng paghihirap subalit babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw. 47 At upang ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan sa kaniyang pangalan ay maihayag sa lahat ng mga bansa simula sa Jerusalem. 48 At kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. 49 Kaya narito, ipinapadala ko ang pangako ng aking Ama sa inyo. Ngunit kayo ay manatili sa lungsod ng Jerusalem hanggang sa kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.” 50 At sila ay dinala ni Jesus hanggang sa Betania, at habang nakataas ang kaniyang mga kamay, sila ay kaniyang pinagpala. 51 At nangyari na habang sila ay pinagpapala niya, siya ay humiwalay sa kanila at siya ay dinalang paitaas sa langit. 52 At pagkatapos nilang sumamba sa kaniya, sila ay bumalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan. 53 At sila ay nagpatuloy sa pagpupuri at sa pagbibigay lugod sa Diyos sa loob ng templo. Siya nawa! Mark 161 Pagkalipas ng Sabat, si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng mabangong mga pamahid upang puntahan at pahiran si Jesus. 2 Maagang-maaga, sa unang araw ng sanlinggo, pumunta sila sa libingan habang papasikat ang araw. 3 Sinabi nila sa isa't isa, “Sino ang magpapagulong ng bato mula sa bukana ng libingan para sa atin?” 4 Nang sila ay tumingin, nakita nila na naigulong na ang bato bagaman ito ay lubhang napakalaki. 5 At nang pumasok sila sa loob ng libingan, nakita nila ang binata na nakaupo sa bahaging kanan na nakasuot ng puting kasuotan, at sila ay lubhang namangha. 6 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mamangha. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito. Narito ang dako kung saan nila siya inilagay. 7 Ngunit humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, na siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. Doon ay makikita ninyo siya kagaya ng sinabi niya sa inyo.” 8 Sa kanilang dagliang paglabas, sila ay tumakbo mula sa libingan. Ngunit sila ay nagkaroon ng panginginig at pagtataka kaya wala silang sinabing anuman sa kaninuman dahil sa takot. 9 Nang si Jesus ay bumangon sa unang araw ng sanlinggo, siya ay unang nagpakita kay Maria na taga-Magdala, na mula sa kaniya ay pinalabas ni Jesus ang pitong demonyo. 10 Pagkaalis ni Maria, isinalaysay niya ito sa kanila na mga naging kasama ni Jesus habang sila ay nagdadalamhati at namimighati. 11 Ngunit sila na nakarinig, na siya ay nabubuhay at siya ay nakita ni Maria, ay hindi naniwala. 12 Ngunit pagkatapos ng mga bagay na ito, siya ay nagpakita sa ibang anyo sa dalawa mula sa kanila habang sila ay naglalakad patungo sa kanilang bukid. 13 Nang sila ay nakaalis na, ipinahayag nila ito sa mga iba nilang kasama, ngunit hindi nila pinaniwalaan ang mga iyon. 14 Pagkatapos nito, nagpakita siya sa labing-isa habang sila ay nakahilig sa may hapag at sinumbatan niya ang kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso sapagkat hindi nila pinaniwalaan yaong mga nakakita na siya ay ibinangon na. 15 At sinabi niya sa kanila, “Sa inyong paghayo sa buong sanlibutan, ipangaral ninyo ang ebanghelyo sa bawat nilikha. 16 Siya na sumampalataya at mabawtismuhan ay maliligtas, ngunit siya na hindi sumampalataya ay hahatulan. 17 Ngunit sa kanila na mga sumasampalataya, ang mga tanda na ito ay susunod sa kanila: sila ay magpapalayas ng mga demonyo sa aking pangalan, sila ay magsasalita ng mga bagong wika, 18 sila ay dadampot ng mga ahas, at kapag makainom sila ng anumang bagay na nakakamatay ay hinding-hindi sila masasaktan, sila ay magpapatong ng mga kamay sa may mga karamdaman at sila ay gagaling.” 19 Kaya nga, pagkatapos magsalita ang Panginoon sa kanila, siya ay dinalang paitaas sa langit at umupo sa bahaging kanan ng Diyos. 20 Kaya sa kanilang pag-alis, sila ay nangaral sa lahat ng dako, ang Panginoon ay gumagawang kasama nila at pinagtitibay niya ang salita sa pamamagitan ng mga tanda na sumusunod. Siya nawa. Matthew 281 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod. 2 At narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat ang isang anghel ng Panginoon ay bumaba mula sa langit at siya ay dumating at iginulong ang bato mula sa pintuan ng libingan at siya ay umupo sa ibabaw nito. 3 Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang damit ay maputi na parang niyebe. 4 At sa takot ng mga nagbabantay, sila ay nanginig at naging parang mga patay. 5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus. 6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon, 7 at magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad na siya ay binangon mula sa mga patay. At narito, siya ay mauuna sa inyo patungo sa Galilea. Siya ay makikita ninyo roon. Narito, sinabi ko na sa inyo.” 8 Kaya sila ay nagmadaling umalis mula sa libingan, na may takot at malaking kagalakan at sila ay tumakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad. 9 At habang sila ay nasa daan upang balitaan ang kaniyang mga alagad, narito, sinalubong sila ni Jesus na sinasabi, “Magalak kayo.” At sila ay lumapit at hinawakan ang kaniyang mga paa at siya ay sinamba nila. 10 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at ibalita ninyo sa aking mga kapatid upang sila ay makapunta sa Galilea at ako ay makikita nila roon.” 11 At habang sila ay papaalis, narito, ang ilan sa mga bantay ay pumunta patungo sa lungsod at ibinalita sa mga punong saserdote ang lahat ng mga nangyari. 12 At nang sila ay nakapagtipon kasama ang matatanda at nang sila ay nakapagdaos ng sanggunian, sila ay nagbigay ng maraming salapi sa mga kawal, 13 na sinasabi, “Sabihin ninyo, ‘Ang kaniyang mga alagad ay dumating nang gabi at siya ay ninakaw nila habang kami ay natutulog.’ 14 At kapag ito ay makarating sa pandinig ng gobernador, hihikayatin namin siya at titiyakin namin na wala kayong alalahanin.” 15 Kaya kanilang kinuha ang mga piraso ng salapi at ginawa nila ang ayon sa itinuro sa kanila. At ang pananalitang ito ay kumalat sa mga Judio hanggang sa araw na ito. 16 Ang labing-isang mga alagad nga ay pumunta sa Galilea, sa bundok na itinakda sa kanila ni Jesus. 17 At nang siya ay nakita nila, siya ay sinamba nila ngunit ang iba ay nag-alinlangan. 18 At si Jesus ay lumapit at nagsalita sa kanila na sinasabi, “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa lupa ay ibinigay sa akin. 19 Kaya sa inyong paghayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu, 20 na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay, anuman ang aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito.” Siya nawa! |