Paul ja Agabus
| Secondary Keywords | Agabo Cesarea Griffith Foxley Jerusalem kasaysayan misyonero paglalakbay pahimakas Paul profetia Sayprus Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 211 At nangyari, na sa aming paglalayag, nang kami ay napahiwalay sa kanila, kami ay tuluy-tuloy na nakarating sa Cos. At kinabukasan kami ay tumuloy sa Rodas at buhat doon, kami ay tumuloy sa Patara. 2 At nang natagpuan namin ang isang barko na naglalayag patungong Fenicia, kami ay sumakay at naglayag. 3 Ngunit nang natanaw namin ang Cyprus at nilagpasan ito sa bandang kaliwa, kami ay patuloy na naglayag patungong Siria at dumaong sa Tiro sapagkat doon nagbaba ng lulan ang barko. 4 At nang natagpuan namin ang mga alagad, kami ay nanatili roon ng pitong araw. Sinabi nila kay Pablo sa pamamagitan ng Espiritu na huwag siyang umahon patungo sa Jerusalem. 5 Ngunit pagkalipas ng mga araw na iyon, kami ay umalis at patuloy na naglakbay. Silang lahat, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ang naghatid sa amin hanggang sa labas ng lungsod at kami ay lumuhod sa baybayin at nanalangin. 6 At nang kami ay nakapagpaalam sa isa't isa, kami ay sumakay sa barko at sila ay umuwi sa kanilang mga tahanan. 7 Nang kami ay natapos nang maglayag mula sa Tiro, kami ay dumating sa Tolemais, at pagkatapos naming batiin ang mga kapatid, kami ay nanatili kasama nila ng isang araw. 8 Ngunit kinabukasan, pagkaalis ng mga kasama ni Pablo, kami ay dumating sa Cesarea at pumasok sa bahay ni Felipe na ebanghelista, na isa sa pito, at kami ay nanatiling kasama niya. 9 Ang lalaking ito ay may apat na anak na dalagang birhen na nangangaral. 10 Sa aming pananatili roon ng maraming araw, may isang propeta na ang pangalan ay Agabo ang dumating mula sa Judea. 11 Lumapit siya sa amin, kinuha niya ang pamigkis ni Pablo, ginapos niya ang kaniyang sariling mga kamay at mga paa at sinabi, “Ganito ang sinasabi ng Banal na Espiritu, ‘Sa ganitong paraan gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito at siya ay ibibigay nila sa mga kamay ng mga Gentil.’ ” 12 Kaya nang narinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayundin ang mga tagaroon ay nagsumamo sa kaniya na huwag na siyang umahon sa Jerusalem. 13 Ngunit sumagot si Pablo, “Ano ang ginagawa ninyong pananangis at pagdudurog sa aking puso? Ako ay hindi lamang nakahanda upang magapos kundi maging ang mamatay sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus.” 14 Ngunit dahil siya ay hindi namin mahikayat, tumigil kami at sinabi, “Mangyari ang kalooban ng Panginoon.” 15 Pagkatapos ng mga araw na iyon, binitbit namin ang aming mga dalahin at umahon patungong Jerusalem. 16 At sumama rin sa amin ang ilan sa mga alagad mula sa Cesarea at isinama nila si Minason, na taga-Cyprus na isa sa mga naunang alagad, na sa kaniya kami makikipanuluyan. 17 At nang kami ay dumating sa Jerusalem, tinanggap kaming may kagalakan ng mga kapatid. 18 At kinabukasan, si Pablo ay kasama naming pumunta kay Santiago at ang lahat ng matatanda ay naroon. 19 Pagkatapos niya silang batiin, isinalaysay niyang isa-isa ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang paglilingkod. 20 At sila na nakarinig nito ay patuloy na niluluwalhati ang Panginoon at kanilang sinabi sa kaniya, “Kapatid, nakikita mo kung ilang libo sa mga Judio ang sumampalataya at lahat sila ay masigasig para sa Kautusan. 21 Ibinalita sa kanila ang patungkol sa iyo, na itinuturo mo ang pagtalikod kay Moises sa lahat ng mga Judio na nasa mga bansa, at sinasabi mo na huwag nang tuliin ang kanilang mga anak, ni lumakad ayon sa mga kaugalian. 22 Ano kung gayon ang gagawin? Walang alinlangang napakarami ang kailangang magtipon sapagkat mababalitaan nilang dumating ka. 23 Kaya gawin mo itong sinasabi namin sa iyo. Mayroon kaming apat na lalaking may sinumpaang panata sa kanilang sarili. 24 Isama mo sila at dalisayin mo ang iyong sarili kasama nila. Bayaran mo ang kanilang magugugol upang kanilang maipaahit ang kanilang mga ulo at malaman ng lahat na hindi totoo ang mga bagay na nabalitaan na nila patungkol sa iyo, sa halip ay lumalakad ka nang maayos at iningatan mo mismo ang Kautusan. 25 Ngunit patungkol sa mga Gentil na sumampalataya na, sinulatan namin sila na ipinasiyang huwag nilang gawin ang gayong bagay maliban na sila ay lumayo sa mga bagay na inihandog sa diyos-diyosan, sa dugo, sa binigti at sa pakikiapid.” 26 Nang isinama ni Pablo ang mga lalaking iyon, sa sumunod na araw na dinalisay siya na kasama sila, siya ay pumasok sa templo na ipinapahayag ang kaganapan ng mga araw ng pagdadalisay hanggang sa maihandog ang hain para sa bawat isa sa kanila. 27 Nang halos matapos na ang pitong araw, pagkakita ng mga Judio na nanggaling sa Asya kay Pablo sa loob ng templo, ginulo nila ang napakaraming tao at siya ay dinakip, 28 at kanilang isinisigaw, “Mga lalaking taga-Israel, tumulong kayo! Ito ang lalaking nagtuturo sa mga tao, kahit saan, laban sa mga tao at sa Kautusan at sa dakong ito. Bukod pa rito, nagdala rin siya ng mga Griyego sa templo at dinungisan na ang banal na dakong ito.” 29 Ito ay sapagkat nakita na nila noon si Trofimo na taga-Efeso na kasama niya sa lungsod, at inisip nilang siya ay ipinasok ni Pablo sa templo. 30 At ang buong lungsod ay nagulo at nangyari, na ang mga tao ay sama-samang tumakbo at kanilang dinakip si Pablo at kinaladkad palabas sa templo. At ang mga pintuan ay isinara kaagad. 31 At sa kanilang pagnanais na siya ay patayin, dumating ang balita sa pinunong kapitan ng batalyon na ang buong Jerusalem ay nagkagulo na. 32 At siya ay nagsama kaagad ng mga kawal at ng mga senturion at sumugod sa kinaroroonan nila. At nang nakita nila ang pinunong kapitan at ang mga kawal, sila ay tumigil sa paghahampas kay Pablo. 33 Kaya paglapit ng pinunong kapitan, siya ay hinuli at ipinag-utos na gapusin siya ng dalawang tanikala. At siya ay nagtanong kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa. 34 Ngunit ang ilan sa napakaraming tao ay sumigaw ng isang bagay at ang ilan ay iba naman. At dahil hindi niya nalaman ang katotohanan dahil sa kaguluhan, iniutos niya na dalhin si Pablo sa himpilan. 35 At nang siya ay dumating sa hagdanan, nangyari na siya ay binuhat ng mga kawal dahil sa karahasan ng napakaraming tao 36 sapagkat ang napakaraming tao ay sumunod at sumisigaw, “Alisin mo siya!” 37 Habang si Pablo ay ipinapasok sa himpilan, sinabi niya sa pinunong kapitan, “Pahihintulutan mo ba akong magsabi ng anuman sa iyo?” At sinabi niya, “Marunong ka bang magsalita ng Griyego? 38 Hindi ba ikaw ang taga-Egipto na nang nakaraang araw ay nang-udyok ng kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong kalalakihan na mga mamamatay-tao?” 39 Ngunit sinabi ni Pablo, “Ako ay isang tunay na Judio na taga-Tarso ng Cilicia, isang mamamayan ng hindi kilalang hamak na lungsod. Isinasamo ko sa iyo na pahintulutan mo akong magsalita sa mga tao.” 40 Nang siya ay kaniyang pinahintulutan, si Pablo na nakatayo na sa hagdanan ay naghudyat ng kamay sa napakaraming tao. At nang nagkaroon ng lubos na katahimikan, siya ay nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, na sinasabi, |