Paavali Thessalonikassa ja Bereassa
| Secondary Keywords | Atenas Bere kasaysayan misyonero paglalakbay pahimakas Paul Tesalonica Toinen toinen Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 171 At nang sila ay nakadaan sa Amfipolis at Apolonia, dumating sila sa Tesalonica kung saan ay may sinagoga ng mga Judio. 2 At si Pablo ay pumasok doon ayon sa kaniyang kinaugalian at sa loob ng tatlong araw ng Sabat, siya ay nakipagpaliwanagan sa kanila mula sa mga Kasulatan 3 na kaniyang binubuksan at ipinapaliwanag, na kinakailangang ang Cristo ay magbata ng hirap at muling mabuhay mula sa mga patay, at “Ito ang Cristo, ang Jesus na ipinapangaral ko sa inyo.” 4 At ang ilan sa kanila ay nahikayat at sumama kay Pablo at kay Silas, at ang napakaraming mga Griyego na palasamba sa Diyos, at hindi kaunti ang sa mga pangunahing babae. 5 Ngunit dahil sa inggit, ang mga Judio na hindi sumampalataya ay nagsama ng ilang masasamang tao mula sa pamilihan. At nang sila ay nakapagtipon, ginulo nila ang lungsod at nilusob ang bahay ni Jason. Hinanap nila sina Pablo at Silas upang maiharap sa mga tao. 6 Subalit dahil sila ay hindi natagpuan, kinaladkad nila si Jason at ang ilang kapatid sa harap ng mga opisyal ng lungsod na ipinagsisigawan, “Ang mga taong nanggugulo sa sanlibutan ay pumunta rin sa dakong ito 7 at tinanggap ni Jason. At lahat ng mga ito ay gumagawa ng laban sa mga utos ni Cesar na sinasabing may ibang hari, si Jesus.” 8 At ang napakaraming tao at ang mga pinuno ng lungsod na nakikinig sa mga bagay na ito ay kanilang ginulo. 9 Nang natanggap na nila ang sapat na salapi mula kay Jason at sa iba, sila ay pinalaya nila. 10 Kaya kinagabihan ay pinaalis kaagad ng mga kapatid sina Pablo at Silas papuntang Berea. Pagdating nila roon, sila ay pumasok sa sinagoga ng mga Judio. 11 Ang mga taga-Berea ay higit na mararangal kaysa sa mga taga-Tesalonica yamang tinanggap nila ang salita ng buong sigasig at sinaliksik ang mga Kasulatan araw-araw kung gayon nga ang mga bagay na ito. 12 Kaya nga marami sa kanila ang sumampalataya maging sa mga kagalang-galang na mga babaing Griyego at sa mga lalaki na hindi kaunti. 13 Ngunit nang nalaman ng mga Judiong taga-Tesalonica na ang salita ng Diyos ay naipangaral din ni Pablo sa Berea, sila ay pumunta rin doon upang guluhin ang napakaraming tao. 14 Kaya pinaalis kaagad ng mga kapatid si Pablo na parang patungo sa dagat, subalit sina Silas at Timoteo ay nagpaiwan pa roon. 15 At ang mga sumama kay Pablo ang naghatid sa kaniya hanggang sa Atenas. At nang natanggap nila ang bilin para kina Silas at Timoteo na sila ay makakapunta kaagad sa kaniya, sila ay umalis. 16 Subalit habang hinihintay ni Pablo sina Silas at Timoteo sa Atenas, siya ay nababagabag sa kaniyang espiritu dahil sa nakikita niya ang lungsod na punung-puno ng mga diyos-diyosan. 17 Kaya nga, siya ay nakipagpaliwanagan sa mga Judio sa sinagoga at sa mga sumasamba sa Diyos, gayundin sa sinumang nakakatagpo niya sa pamilihan araw-araw. 18 At ang ilan sa mga pilosopong Epicureo at mga Estoico ay nakipagtalo sa kaniya. At ang ilan ay nagsasabi, “Ano ang ibig sabihin ng matabil na ito?” Ngunit ang iba ay nagsabi, “Para siyang tagapangaral ng mga kakaibang diyos” sapagkat ipinangangaral niya sa kanila ang ebanghelyo ni Jesus at ang muling pagkabuhay. 19 At sila na kumuha at nagdala sa kaniya sa Burol ng Areo ay nagsasabi, “Maaari ba naming malaman kung ano itong bagong katuruan na sinasabi mo? 20 Sapagkat ikaw ay nagdadala ng kakaibang mga bagay sa aming mga pandinig kaya ninanais naming malaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.” 21 Ang lahat na mga taga-Atenas at ang mga nakikipamayan doon ay walang ibang pinaggugugulan ng panahon kundi ang pagsasalaysay o ang pakikinig ng bagong mga bagay. 22 Kaya si Pablo ay tumayo sa gitna ng Burol ng Areo at kaniyang sinabi, “Mga ginoo, mga taga-Atenas, nakikita ko na kayo ay lubhang mapaniwala sa mga diyos sa lahat ng mga bagay 23 sapagkat habang ako ay dumadaan at pinagmamasdan ko ang mga bagay na inyong sinasamba, nakita ko rin ang isang dambana kung saan ay nakasulat, SA HINDI NAKIKILALANG DIYOS. Kaya siya nga na inyong sinasamba bagaman siya ay hindi ninyo kilala, siya ang aking ipinangangaral sa inyo. 24 Ang Diyos na lumikha ng sanlibutan at ng lahat ng mga naroroon ay hindi nananahan sa mga banal na dako na ginawa sa pamamagitan ng mga kamay, yamang siya ang Panginoon ng langit at ng lupa, 25 ni pinaglilingkuran sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tao, na siya ay parang nangangailangan ng anumang bagay, dahil siya ang nagbibigay sa lahat ng buhay, ng hininga at ng lahat ng mga bagay. 26 Ginawa niya mula sa isang dugo ang lahat ng bansa ng mga tao upang manahan sa ibabaw ng buong lupa na kaniyang tinukoy at itinakda nang una pang kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang pananahanan 27 upang hanapin nila ang Panginoon at kanilang masumpungan kung sakaling siya ay hanapin nila. Bagaman siya ay hindi malayo sa bawat isa sa atin 28 sapagkat sa pamamagitan niya tayo ay nabubuhay, nakakakilos, at mayroong pagkatao. Gaya rin ng sinabi na ng ilan sa inyong mga makata, ‘Dahil tayo rin naman ay kaniyang mga anak.’ 29 Dahil dito, yamang tayo ay kabilang sa angkan ng Diyos, hindi natin marapat isipin na ang pagka-Diyos ay katulad sa ginto, sa pilak, o sa bato na inukit ng sining at ng kathang-isip ng tao. 30 Kaya nga, ang mga panahon ng kamangmangan na hindi pinansin ng Diyos, ngayon, ay ipinag-uutos niya na ang lahat ng mga tao saanmang dako ay magsisi 31 sapagkat siya ay nagtakda ng araw kung kailan niya hahatulan ang sanlibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaki na kaniyang itinalaga at sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya mula sa mga patay, nagbigay siya ng katiyakan sa lahat.” 32 Nang narinig nila ang patungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, ang ilan nga ay nangutya at ang iba ay nagsabi, “Pakikinggan ka naming muli patungkol dito.” 33 At pagkatapos nito, si Pablo ay umalis mula sa kanilang kalagitnaan. 34 Ngunit ang ilang kalalakihan na sumama sa kaniya ay sumampalataya at ang isa sa kanila ay si Dionisio na nakatira sa Burol ng Areo, at isang babae na ang pangalan ay Damaris at ang iba pang kasama nila. |