1 Nang ang kabuuan ng kanilang malaking bilang sa kanila ay tumayo, si Jesus ay dinala nila kay Pilato.2 At sila ay nagsimula upang paratangan siya na sinasabi, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang bayan at ipinagbabawal ang pagbabayad ng buwis kay Cesar sa pagsasabing siya mismo ang Cristo, ang hari.”3 At tinanong ni Pilato si Jesus na sinasabi, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” At si Jesus ay sumagot sa kaniya na sinasabi, “Ikaw ang nagsabi nito.”4 Kaya si Pilato ay nagsabi sa mga punong saserdote at sa napakaraming tao, “Wala akong nakikitang dahilan upang hatulan ang taong ito.”5 Ngunit sila ay lalong nagpupumilit na sinasabi, “Inuudyukan niya ang mga tao sa kaniyang pagtuturo sa buong Judea simula sa Galilea hanggang dito.”6 Nang narinig ni Pilato ang Galilea, itinanong niya kung ang lalaki ay taga-Galilea.
Luke 23
13 At pagkatawag ni Pilato sa mga punong saserdote at sa mga pinuno at sa mga tao,14 sinabi niya sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito bilang isang naglilihis ng landas sa mga tao. Narito, nang siya ay siniyasat ko sa harapan ninyo, wala akong nakitang dahilan upang hatulan ang taong ito ayon sa ipinaparatang ninyo sa kaniya15 sapagkat pinaahon ko kayo kay Herodes, ngunit narito, kahit si Herodes ay walang ginawa sa kaniya na nararapat sa kamatayan.16 Kaya pagkatapos ko siyang parusahan, siya ay palalayain ko”